"Si mama, nandito pa sya?" Tanong ko sa isang malapit na waiter sa akin. Siya ang nagsisilbing mata at tenga ko sa mga ikinikilos ng aking ina.
"Yes Architect. Marami kasing customer kanina, kaya hindi pa tapos ang crew sa paglilinis" Tumango naman ako at dumuretso na sa kusina. Alas-onse na ng gabi pero abala parin ang mga tauhan ni mama sa paglilinis. Napahinto naman ako sa paghinga ng magtama ang mata namin ng aking ina. Pagod syang tumugon sa akin at lumapit naman ako sa kanya. This is the first time I saw her treating me cold. And it's kinda scary.
Ako: "Ma" Kukunin ko sana ang kamay nya pero agad naman syang tumalikod sa akin at nagmando sa mga crew.
Mama: "Bakit hindi ka pa sa bahay dumuretso. Alam kong pagod ka na. Galing ka pang Tagaytay"
Ako: "Ma, about Dylan. Let me explain"
Mama: "I made up my mind Dianne. Kaya magreresign ka sa ayaw at gusto mo" Humarap sya sa akin at binitawan ang nakakatakot na bantang iyon. Dapat ay normal lang sa akin ang sitwasyon na ito. Nasa plano ko naman na iwanan ang CEA pero ngayon ay naguguluhan na ako.
Ako: "Ma, hindi ko pwede basta iwan ang CEA" Humalukipkip sya sa harapan ko.
Mama: "O hindi mo kayang iwan si Dylan?" Napahawak ako sa sendido ko. Sa totoo lang ay sumasakit na ang ulo ko sa lahat.
Ako: "Ma, this is not about Dylan"
Mama: "Then breach the contract. Kung gusto mo ako narin magbabayad sa damages" Lalong kumulo ang dugo ko. Dahil alam kong kung gaano katayod ang pride ko, ganoon din ang sa kanya.
Ako: "Ma-" Tumalikod na sya sa akin at naglakad na naman sa kung saan.
Mama: "Pwede ba Dianne, tantanan mo muna ako. Pagod na ako" Napahinto ako sa paglalakad habang patuloy sya sa pagmamando.
Masakit marinig na pagod na syang pakinggan ako. Noon, kahit pagod sya ay pinipilit nya akong pakinggan sa mga walang kwentang bagay na ibinabahagi ko. Ngayon, hindi ko na alam.
Paglabas ko ng kusina ay naupo muna ako sa isang table kung saan malapit si Luis na naglalampaso.
Luis: "Mukhang may hindi magandang nangyari ah" Napahalumbaba na lang ako
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomansaMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...