Chapter 26- Rivals

1.2K 17 3
                                    

"Mahal ko! Mahal ko! Hay ang hirap mo namang gisingin!"

Naalimpungatan ako sa boses na narinig ko, panaginip na naman ba? pero bakit parang totoo?.

"Hay, ang dami ko pa namang balak gawin natin ngayon. Pero paano matatapos yun kung tanghali na eh tulog ka parin?"

Yinakap ko na lang ang unan na nasa tabi ko. Masarap matulog. Kung panaginip man o totoo ang naririnig ko. Matutulog parin ako.

"Mahal ko, huwag naman ganito. Baka paglabas natin dito tatlo na tayo! Gumising ka na please"

Nanglaki ang mata ko sa narinig ko. Hindi lang basta panaginip ang lahat. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakayakap kay Dylan na nakahiga sa tabi ko. Akala ko ay unan yun. Bakit ba palaging sulpot ng sulpot to kahit saan.

Napakalas ako sa pwesto ko at lumayo sa kanya. Wala na akong paki-elam kung may morning glory pa sa aking mata

Ako: "Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!"

Umayos naman sya ng upo at nasilayan ko na naman ang malaking ngiti sa kanyang mukha

Dylan: "Ikaw ha, kanina ka pa pala gising, gusto mo pa akong yakapin. Sana noon mo pa sinabi, kahit magdamag" Tumaas baba ang kilay "Pwede"

Namula naman ako sa binitawan nyang salita. Okay, natulala, namula, gulo gulong buhok at morning glory sa mata equals bakasyon. Mukha akong baliw. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagtungo na sa drawer.

Ako: "Hindi ah, ano bang ginagawa mo dito? ginagambala mo ang pagtulog ko. Aga aga eh"

Dylan: "Mahal ko, 12:30 na po ng tanghali. Nasaan ang umaga doon?"

Ako: "Maaga yun para sa akin"

Dylan: "Para sa akin gabi na, feeling ko kakaunting oras na lang ang natitira sa akin para makasama ka ng gising"

Okay, better to shut up my mouth bago ba bumanat ulit ito.

Ako: "Maliligo lang ako, sa labas ka muna"

Pumasok ako ng cr at dali dali kong isinara ang pinto. Hindi ko alam kung lumabas na ba si Dylan o ano. Basta kailangan ko mag-mukhang tao ulit. Pagkatapos ng 10 minuto ng pagligo at pagbibihis ay lumabas na ako ng cr. Napahinto ako sa paglalakad ng datnan kong nakatitig sa akin ang Dylan habang nakaupo sa kama at nasa labi ang isang kamay. Nakakaamoy ako ng hindi maganda dito. Umiwas ako ng tingin at inalis na lang ang twalya na nasa ulo ko at pinamunas ito sa buhok kong basa. Nagtungo ako sa harap ng salamin at sinuklay ang aking buhok. Nakapako parin ang tingin ni Dylan sa akin at kitang kita ko iyon sa refleksyon nya sa salamin.

Ako: "Saan ba tayo pupunta?"

Hindi sya sumagot at tulala parin sa akin. Dapat talaga lumabas na sya. Humarap ako sa direksyon nya at humalukipkip

Ako: "Hello! Dylan to Earth!"

Nagising naman sya sa realidad ng buhay. Tumayo sya at humakbang patungo sa pinto.

Dylan: "Sa bahay ko"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Anong gagawin namin doon?

Ako: "S-sa bahay nyo? anong gagawin natin?"

Dylan: "You'll see"

Binuksan nya ang pinto at tuluyang lumabas. okay, makikita ko daw kung ano man ang gagawin namin.

Humarap ako sa salamin at ipinagpatuloy ang trabaho ko sa aking buhok.

Pagkalabas ko ay wala si Dylan sa sala. Nagtungo ako sa kusina at nadatnan ko syang tulala sa baso na hawak nya habang nakasandal sa aming ref.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon