Chapter 67- Say you'll never let me go

1.1K 17 2
                                    

"DARIUS! Bumangon ka nga!" Singhal ko sa inhinyerong nakahilata sa aking kama. Alas-quatro na ng hapon pero hindi parin kami tapos sa pag-aayos ng aking mga gamit. Halos isang taon ang lumipas at naisakatuparan narin ang plano kong magtayo ng sarili kong tirahan. Hindi kalayuan sa tirahan ng aking ina.

"Wala bang pamiryenda?" Tinaasan ko sya ng kilay saka ko ibinaba ang mga kahon na hawak ko.

Bumaba ako sa ground floor at dumuretso na sa kusina. Gustong gusto ko ang kinalabasan ng mga plano ko. Everything fits to my lifestyle. Malaki din ang naitulong ni Darius sa pagdadagdag ng kung ano ano. Kaya masasabi kong tama ang sinasabi nya palagi sa akin. Bahay namin ito.

"Ang bango naman!" Panglalambing nya sa akin habang naka-akbay sa akin.

Ako: "Darius, palaman lang ito. Hindi ako nagluluto kung nabubulagan ka man" Tumawa sya ng malakas sa aking sinabi. Matapos mapalamanan ang pandesal ay isinakmal ko na ito sa kanya.

After two long years, still hindi parin kami. Although mas naging open na ako sa kanya. Ang pag-akbay, ang pagyakap nya sa akin ay normal lang sa amin. We kiss sometimes, pero sa pisngi lang. And my feelings? mas nararapat kong sabihin na isa syang matalik na kaibigan sa halip na kasintahan.

Darius: "Congrats Honey!" Bati nya sa akin hapang hinihigop ko ang aking kape. Pagkatapos noon ay binaba ko ito sa lamesa saka sya tinaasan ng kilay.

Ako: "For what?"

Darius: "I've heard, nakuha mo ang Project C Mall huh" Kumunot naman ang aking noo.

Ako: "Thanks but, hindi ba ikaw ang magiging partner ko?" Tanong ko sa kanya.

Darius: "The sad this is, nope. Inassign ako ni Boss sa ibang project. I have to stay in Manila at mapapadalang ang uwi ko dito" Sa kanyang sinabi ay nakaramdam ako ng lungkot. We shared a lot of stress and victory together. Maraming project na kaming pinagsamahan.

Ako: "So, commercial building will be the last?" Kinuha nya ang tinidor na ginamit ko kanina saka pinagtutuksok ang isang pandesal na natitira.

Darius: "Yes. I don't get it. Palagi naman akong pinagbibigyan ni Boss but this past few months, nagiging blurry ang lahat" Nagkibit balikat na lang ako. Bigla namang pumasok sa eksana si mama nang sumulpot sya sa kusina.

Mama: "Hey lovers! Dianne, nasa labas ang Boss mo" Napairap na lang ako sa kanyang sinabi. Maging sya ay nahawa kay Boss"

Ako: "Yah yah yah. Ano naman kaya ang ginagawa ng matandang iyon dito?" Tumawa na lang si Darius sa akin.

Iniwan ko sila sa kusina at nagtungo na ako sa sala. Nadatnan ko si Boss na abala sa paglilibot sa aking bahay.

Boss: "Hey!"

Ako: "Boss, anong nakain mo at napadpad ka dito?" Ngumiti sya sa akin saka inabot ang isang bouquet ng puting tulips.

Boss: "Nakita ko sa harap ng gate mo, may iba pa palang mangliligaw?" Kinuha ko iyon at saka ito inispeksyon.

Ako: "Again" Ilang buwan narin ako nakakatanggap ng ganitong bulaklak. Wala namang nakalagay kung saang lupalok ng mundo galing.

Boss: "By the way, dumaan lang ako para tingnan kayong dalawa dito. Bye!" Tumalikod na sya sa akin saka naglakad palabas ng bahay. Dali dali ko naman syang sinundan.

Ako: "Boss wait!" Huminto naman sya at saka humarap sa akin.

Boss: "Yes?"

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon