"Marry me, forget him. As easy as that" Napalagok ako sa aking inumin. Darius must be drunk
Ako: "Darius, shut up. Hindi ka nakakatulong" Inubos na nya ang natitirang alak sa kanyang bote. Habang nakapako naman ang aking mata sa city lights ng Cagayan De Oro.
Darius: "Dianne, for two years palagi mo sa aking sinasabi na naka-move on ka na. Pero ano to? Bakit sa halip na nagdedate tayo ay nagmumukmok tayo dito at nag-iisip ng gagawin mo"
Ako: "I did"
Darius: "Damn, edi sana alam mo na ang gagawin mo Dianne. Mahal kita pero hindi ko maiwasang mainis. Dapat okay lang sayo na nandyan sya, na hindi ka na naaapektuhan. But it seems like those things are impossible to happen." Napasabunot sya ng kanyang buhok.
Ako: "Eh hindi ko naman inaasahan na sya ang bubungad doon. Hindi ako handa"
Darius: "Fuck, hindi handa? Dianne, limang taon ka nang naghahanda. Tinulungan na kita pero ano? Wala parin?" Tumalikod na sa akin si Darius, this is the first time na napuno sya sa akin.
Ako: "Bakit ba galit na galit ka?" Singhal ko sa kanya
Darius: "Kasi puro ka na lang Dylan. Nandito ako for two years, ginawa ko ang lahat para tulungan ka. Pero ikaw naman tong ayaw sumubok." Padabog nyang ibinaba ang bote sa lamesa dahilan para magising ako sa aking kahibangan.
"I'm tired, maaga pa ang flight natin bukas. Bumalik na tayo ng Hotel" Naglakad na sya palayo sa akin. Nanatili naman ako sa aking pwesto at tinanggap ang sagot na kanina ko pa hinahanap. Sadyang hindi ko lang matanggap ang mga pangyayari.
Di naglaon ay nakabalik na kami ng hotel. We share in bed, well wala namang isyu doon dahil sanay na ako sa kanya.
He's cold, at nakakapanibago.
"Darius, I'm sorry" Paumanhin ko habang nakadilat na nakahiga sa kama. Nakatalikod naman sya sa akin.
"Sleep, maaga pa tayo bukas" Matapos iyon ay hindi na muli syang kumibo. Siguro nga'y tama sya. Bumabalik ako sa dating ako na umaasa sa ipapayo ng iba. Dapat ay alam ko na ang aking gagawin. Kung nais kong isalba ang aking buhay.
Kinabukasan araw ng linggo ay bumalik na kami sa Bulacan. Hindi sya nagsalita sa buong byahe. Ni hindi ko tuloy malaman kung anong umiikot sa kanyang utak.
Pagod akong nahiga sa kama pagkarating ng bahay pero hindi ako hinayaang magpahinga ng aking alaga.
"Dexter! I'm tired" Malikot na nagpaikot- ikot ang aso sa aking kama. Hindi rin ako tinantanan ng kanyang pangdidila sa aking mukha. Tuluyan naman akong napabangon ng biglang kumatok si manang. Pinagbuksan ko sya ng pinto at dali daling lumabas si Dexter.
Ako: "Manang" Walang gana kong salubong sa kanya
Manang: "Iha, may kliete sa baba. Pinapasok ko na" Napabuntong hininga naman ako. Bakit ba may makukulit na klienteng binubulabog ang buhay ko kahit araw ng pahinga. Tumango ako sa kanya at sumunod na sa pagbaba. Wala na akong gana pang mag-ayos.
Nangangalahati pa lang ang hagdan ay napatigil na ako sa aking nasilayan. Masayang nakikipaglaro ang aking alaga sa aking kliente. He's wearing a white t-shirt that I loved. And I never thought na mas magiging hot sya sa paningin ko after five long years. Ano ba itong pinag-iisip ko.
"Eng. Cortez, it's Sunday. Rest day for your information" Mataray kong tanong sa kanya. I have decided, continue my evil doing no matter what. Napahinto sya sa pakikipaglaro kay Dexter at saka tumayo ng tuwid.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...