Chapter 21- Too Fast

1.4K 23 0
                                    

"Boom! Boom! Boom! Clap!"

Napatigil ako sa paglilinya sa aking plate nang tumunog ang aking telepono. 4 na ng umaga pero hindi parin ako natutulog dahil finals na at marami pa dapat akong tapusin. Kinuha ko ito at sinagot ng walang gana. Sumandal ako sa aking swivel chair at ipinikit ang mga mata. Hilong hilo na ako sa antok.

Ako: "Hello?"

Dylan: "Gooooood Morning mahal ko!!!"

Ako: "What's good in the morning?"

Dylan: "Ow, hindi ka nanaman natulog no?"

Ilang linggo narin ang lumipas noong nagkasakit si Dylan. Noong hapong din iyon ay umuwi na ako dahil wala na syang lagnat. Simula noon ay hindi na nya ako tinantanan sa kakatext at tawag na tila dinaig nya pa ang nanay ko sa pagbabantay. Baka daw kasi niloloko lang ako ni Zach na aalis na at baka umatake na lang bigla at maagaw daw ako sa kanya.

Ako: "Yah, masakit lang ang ulo ko"

Dylan: "Bakit kasi hindi ka muna umidlip? mamayang 7 na ang pasok mo"

Ako: "Patapos na ako, lalagyan ko na lang ng dimension tapos okay na"

Dylan: "Sige, matulog ka ah! palagi mo na lang akong tinutulugan sa kotse. Miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na mi-"

Ako: "Oo na! huwag ka nang magulo, lalong sumasakit ulo ko sa bunganga mo"

Dylan: "Bwahaha, itetext ko si tita na sabay na tayong mag-almusal"

Ako: "Yah yah yah. Babay!"

Dylan: "I love y- toot toot toot"

Pinatay ko na ang telepono bago pa nya masabi ang dapat nyang sabihin. Bumalik ako sa ginagawa ko at tinapos na ito. Matapos ang isang oras ay naayos ko na ang lahat pati ang gamit ko. Dinaig ko pa ang lasing sa paglalakad patungo sa aking kwatro. Bumagsak ako at agad na nakatulog.

Naalimpungatan ako dahil sa amoy na nalalanghap ko. Ang malakas na pabango ni Dylan na kahit malayo eh alam ko nang sya iyon. Siguro ay epekto lang ito ng puyat kaya hindi ko pinansin. Niyakap ko na lang ang unan kong malambot at mabago. Ang pinagtataka ko lang ay may dumampi na kamay sa likod ko. Nako, minumulto na ako!

Napadilat ako at napaupo. Nagulat na lamang ako na ang inaakala kong unan ay si Dylan pala at ang kamay na dumapo sa likod ay sa kanya pala. Napahinga ako ng malalim dahil akala ko ay minumulto na ako. Isa pa yung problemang iyon. Kapag nasobrahan ka sa pagpupuyat at kape, kung ano ano na ang pumapasok sa utak mo.

Dylan: "Good morning again mahal ko!!"

Napahiga ulit ako sa kama dahil kulang pa ang tulog ko. Ningudngod ko ang mukha ko sa unan ko at niyakap ko pa ang isang unan ko.

Ako: "Anong oras na ba?"

Dylan: "Uhmm, 6 na ng umaga"

Napatayo kaagad ako sa kama at tumakbo sa damitan. Kumuha ng twalya at damit saka dali daling pumasok sa banyo.

Pasigaw kong kinakausap si Dylan na nasa labas habang ginagawa ang pribadong bagay

Ako: "DYLAN! LUMABAS KA MUNA! BAKIT KASI NGAYON MO LANG AKO GINISING!!"

Dylan: "ANG SARAP NG TULOG MO! 30 MINUTES NA KITANG hinahalikan!"

Ako: "ANONG SABI MO?"

Dylan: "WALA, ANG SABI KO BILISAN MO AT MALELATE KA NA!"

Matapos ang sigawan ay minadali ko na ang pagligo kahit alam kong puyat ako. Matapos ang pagligo, pagbibihis at pag-aayos sa sarili ay lumabas na ako ng kwarto. Wala na si mama sa bahay dahil mas nauuna itong pumasok sa akin. Kinuha ko ang gamit ko saka hinila palabas ng bahay si Dylan. Sinigurado ko munang sarado lahat saka lumabas ng gate. Pinagbuksan nya ako ng pinto at dali dali naman akong pumasok. Nang nakasakay na sya ay may inilabas syang lunchbox na kulay blue at may Doraemon. Siguro ay sa kapatid nya ito.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon