"I knew it, magugustuhan mo dito" Maligayang singhal sa akin ni Darius habang manghang mangha ako sa aking nasisilayan.
Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Maganda sa paningin ang city lights ng CDO tulad ng sa Maynila. Ang pagkakaiba lang ay mas malinis ang nalalanghap ko dito kaysa doon. Sinulit namin ni Darius ang huling araw namin sa Cagayan De Oro. Natapos na kasi ang tatlong araw na seminar na dinaluhan namin.
Ako: "I can't believe that I will praise you this time. I love it!" Ngumiti lang sya sa akin saka lumapit sa aking tabi. Inakbayan nya ako at tinanggap ko naman iyon. Dalawang buwan na lang ang natitira sa amin at maghihiwalay na kami. Hindi natatapos ang araw ng hindi ko sya kinukulit tungkol doon. Paulit ulit ko kasing pinaniniwala ang sarili ko na ito na ang huli at wala nang hirit pa.
"And I can't believe na mamimiss kita" Nakangiti kong sinabi sa kanya habang nasa malayo ang aking mata. Humigpit ang pagkaka-akbay nya sa akin.
Darius: "Kailan mo ba kasi ako sasagutin? Hindi pa ba sapat ang dalawang taong kagwapuhan ko sa paningin mo?"
Ako: "Kung gwapo ka, sana noong unang dalawang buwan pa lang ay sinagot na kita" Hindi na sya sumagot sa akin. Ibig sabihin lang noon ay napipikon na sya.
"You know what, hindi naman kailangan magkaroon ng intimate connection between two people in order for them to stay forever. Like exes"
Darius: "Yah, whatever. Mamimiss din kita. Balik tayong Palawan!"
Ako: "No! ayoko"
Darius: "Why? ayaw mo ba noon? masosolo kita sa itinayo nating villa?" Siniko ko sya at ininda naman nya iyon.
I'll miss him. He's my new bestfriend. And a lover most of the time.
Mabilis na lumipas ang araw at natapos na ang huli naming proyekto ng magkasama. Naging abala kaagad sya at ako naman ay nagpahinga sa loob ng dalawang buwan. Doon na ako nagbayad ng mga utang kong tulog sa aking sarili. Doon ay nagliwaliw ako kung saan ko man naisin. Sa oras naman na wala akong magawa ay tumatambay ako sa restaurant ni mama. Minsan ay manager pero madalas na waiter. Simula ng matayo iyon ay hindi na muli akong kinulit ni mama sa isyu ng pagiging single ko sa loob ng mahabang panahon. Sa tingin ko ay hindi na nya kailangan pa ng apo.
"Here's your order Boss!" Inilapag ko ang pagkain sa harap ni Boss. Pagkatapos noon ay naupo ako sa upuang nasa harapan nya.
Boss: "There's something different in you?" Pag-uusisa ni Boss habang pinagmamasdan ako. Tumaas naman ang aking kilay.
"Lalo kang gumaganda. That boy has a great choice huh" Sagot nya habang hinihiwa ang kanyang ulam.
Ako: "Huh? boy?" Tumingin sya panandalian sa akin ngunit ibinalik din ang atensyon sa pagkain.
Boss: "By the way, kailangan mo nang bumalik sa office this monday. Darating na ang CEO in five days" Bumagsak ang aking mata sa tray na hawak hawak ko. May mali talaga akong nararamdaman sa proyektong ito.
Ako: "Okay. But I have this feeling. Parang gusto ko na lang magbakasyon buong buhay ko" Halos mabilaukan si Boss sa aking sinabi. Napatayo tuloy ako at mabilis na lumapit sa kanya para painumin ng tubig.
"Okay ka na ba? Dahan dahan lang kasi sa pagkain. Tumatanda ka na" Tumango tango lang sya habang nilalagok ang tubig na ibinigay ko sa kanya. Bumalik ulit ako sa aking pwesto.
Boss: "Hindi ka pwedeng magresign! not until you finish this project"
Ako: "Wala lang Boss. Napaisip lang ako. All my life ginawa ko ang lahat to be an Architect. After that I did everything to be a successful one. Nakalimutan ko nang magpahinga"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomantizmMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...