"Just sent it on my email. I'll check it later. Ako nang bahalang tumawag kay Mr. Bartolome mamaya"
Ibinaba ko na ang aking telepono sa lamesa saka muling humalumbaba sa kusina. Hindi ko akalaing ang bagal kumilos ng lalaking ito. Halos treta minutos na yata syang nasa banyo at hindi parin lumalabas. Kung makikilala ko lang ang arkitekto ng villa na ito, sasapakin ko sya. Bakit ba kasi hindi nya naisipang maglagay ng sariling banyo sa kwarto gayong napakalaki naman ng espasyo. Kailangan ko tuloy pakisamahan ang lalaking ito.
Tila hindi kami magkakilala ng inhinyerong kasama ko sa villa na ito. Bumangon ako at kumain ng sariling almusal ng hindi sya pinapansin. Ako sana ang mauunang maligo kung hindi lang biglang tumawag si assistant at sinusumbong ang makulit na klienteng hinahanap ako.
Papikit na ako sa antok ng biglang magbukas ang pintuan ng CR. Iniluwa nito ang isang hubad na inhinyero na tanging tuwalya lang ang tanging proteksyon para hindi lumabas ang kanyang kaluluwa. Nawala ang antok ko sa aking nakita. He's hot before pero ngayon? parang ibunuhos nya ang limang taon ng buhay nya sa gym. Umiwas na ako ng tingin at tumayo na ako sa aking kina-uupuan. Nagtugma ang aming landas at doon ko na inilabas ang kanina ko pa nais sabihin.
"Akala ko natulog ka na sa Cr" Ang good morning na bati ko sa kanya ng hindi tumitingin. Pumasok na ako sa Cr at agad na isinara ang pintuan ng makitang huminto si Dylan sa paglalakad at lumingon sa akin. Nanglilisik ang mata. Ang kapal talaga ng apog nito.
Sinimulan ko ang paglilinis at hindi ko na sinubukan pang talunin pa sya sa pagtatagal sa Cr. Napakamot na lang ako ng ulo ng mapansin na hindi ko pala dala ang pamalit ko.
Damn!
Kabang kaba ako sa loob ng cr habang humuhugot ng lakas ng loob para makalabas ng buhay. Abot langit din ang aking panalangin na sana, wala siya sa kusina. Hinigpitan ko ang kapit ng aking tuwalya saka huminga ng malalim.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang Dylan na umiinom ng kape. Napahinto sya ng makita akong basang basa na lumabas ng cr. Umiwas na lang ako sa kanyang malagkit na tingin at dali daling naglakad patungong kwarto. Pulang pula ako nang marating ko ang kwarto. Grabe sya makatingin, parang nais akong kainin ng buhay. Hinding hindi na ito mauuulit.
Nag-ayos na ako para pumasok na sa unang araw ng construction. Simple lang ang isinuot ko tutal magbababad lang naman ako sa araw. Simpleng loose na white long sleeve, fitted black jeans at sapatos. Done. Inipit ko rin ang aking mahabang buhok at saka pinulbusan ang aking mukha. The last thing, lipstick. Ang bilin kasi ni ina, huwag ko raw kakalimutan iyon. Mukha daw kasi akong may cancer sa pagkaputla.
Lumabas ako at nagulat akong nandoon pa si Dylan. Ang akala ko naman ay iiwan ako nito dahil sa bagal ko namang mag-ayos. Nakahalukipkip sya habang naka upo sa stool ng mini bar sa kusina. Tumaas ang kayang kilay habang naglalakbay ang mata mula sa aking paa pataas. Tinaasan ko rin sya ng kilay.
"Ang bagal" Ang good morning para sa kanya.
Ako: "I thought you'll leave me." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Dylan: "From now on, hindi na. Kahit gaano ka kabagal" Banat nya bago kumilos at kinuha ang kanyang gamit. He's wearing simple black polo t-shirt na lalong nagpaputi sa kanya. Iitim karin Cortez.
Lumabas narin ako ng bahay at binalewala sya. Bakit ba kasi ako pumayag na iwan ang sasakyan ko. Sa susunod na linggo nga ay magdadala na ako.
Ako: "Atleast, hindi ako kasing bagal mo tuwing nasa banyo" Pang-iinis ko sa kanya saa sumakay ng sasakyan. Hindi na talaga kami magkakasundo nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/29620650-288-k17477.jpg)
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...