"So, I want you two work together to make this project successful alright" Singhal sa amin ni Boss.
Sibangot lang ang nailaan ko sa buong pagpupulong. Habang hindi mawala ang ngisi sa pagmumukha ng bwisit na ito. Napag-usapan na namin kung ano ang gusto ni Mr. Cody para sa kanyang resthouse. Masasabi kong maganda sana ang araw na ito kung hindi sumisingit sa usapan namin si Darius. Nais ko na sana syang sipain palabas ng cafe pero wala akong magawa.
Dahil iisang firm lang ang pinagmulan namin. Wala akong choice kundi tanggapin kahit labag man sa loob ko na sya ang makakatrabaho ko para sa proyekto na ito. Ang tangjng hiling ko lang ay hindi gumuho ang pundasyon nito dahil sa magaganap na gera sa pagitan namin.
Kinausap naman ni Mr. Cody si Darius na kanyang katabi. Nasa harap ko sya at kitang kita ko ang pagmumukha nya. Hilatsya palang ng kanyang mukha ay makikita na ang pagiging mayabang nito. Gwapo sya kung siya'y pupuhirin ko ngunit magaspang ang ugali nya kung aking sisiraan.
Natapos ang pagpupulong ay nakipagkamay ulit ako kay Mr. Cody at alam kong doon na magsisimula ang panibagong senaryo ng pagpupuyat. Agad akong nagpaalam kay boss at hindi na pinansin pa ang inhinyero. Hanggat maaari ay ayokong ipakita sa kanya ang kagaspangan ng ugali ko.
Mahahawakan ko na sana ang handle ng pintuan ng may biglang humawak sa aking balikat. Napatingin ako sa pumigil sa akin ang kumulo na ang dugo ko
Ako: "What do you need Mr. Penikett?" Tanong ko sa kanya. May naaalala ako sa kanya ngunit hindi ko maalala kung ano iyon,
Darius: "Chill, I just want to hang out with you" Inalis na nya ang kamay nya sa balikat ko at inilagay ito sa kanyang bulsa. Inirapan ko sya
Ako: "I'm sorry Mr. Penikett but I'm busy. Better if you look for someone who's not busy" Hinawakan ko na ang handel at itinulak ito. Hindi pa doon natapos ang kanyang pangungulit at sinundan nya pa ako kahit sa parking.
Darius: "Architect, I just want to know you. You'll be my partner for this project" Pangungulit nya sa akin habang nakarang sa pintuan ng aking sasakyan. Bumugtong hininga ako saka humalukipkip sa kanyang harapan.
Ako: "Well sorry Mr. Penikett-"
Darius: "Darius. Call me Darius"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...