Chapter 87- Quarrel

1.5K 21 0
                                    

"What?" Masungit kong sagot sa aking kausap sa telepono. Naging masama ang timpla ng aking mood dahil sa mga kabaliwang ginawa ko kagabi. What the heck I did that consequence? dapat pala ay sumagot na lang ako.

"Mahal ko, hindi mo ba ako namiss?" Tanong nya sa akin habang nagtitimpla ako ng kape. Umaga pa lang ay hindi ko na sya dinatnan. Sabi na nga ba, sa oras na mahulog ulit ako, bigla na lang sya mawawala.

Ako: "Why would I?"

Dylan: "Ouch! after our passionate kis-"

Ako: "Shut up will you! nasaan ka ba? hindi ko huhugasan ang mga pinagkainan ko. It's your duty for a week" Tumawa sya sa kabilang linya

Dylan: "I'm already doing it for you babe" Napakunot naman ang aking noo. Lasing parin ba ang isang ito?

Ako: "Huh?"

"Sir Dylan, pakibilisan daw po ang paghuhugas. Malapit na pong magbukas ang restau" Bigla na lang may sumingit sa aming usapan

Ako: "What?"

"Ah-haha, malapit na kamo ito"

Ako: "Ano bang pinagsasasabi mo?"

Dylan: "Mahal ko, I have to go. Nagagalit na ang mama mo" Agad namang nabuhayan ang sistema ko matapos nyang mabanggit iyon.

Ako: "What? Bakit magagalit si mama. Wait. Where the hell are you?!" Galit ko nang singhal sa kanya. Nagpapanic na talaga ako sa pwedeng gawin ni ina. Wala pa akong lakas ng loob para kausapin ulit sya. I have to think a very wise decision.

Dylan: "Ah-haha, mamaya ko na ipapaliwanag. Papalapit na ang mama mo"

"DYLAN!" Galit na singhal ng isang pamilyar na boses sa lalaking kausap ko. At malakas ang kutob ko na si mama iyon.

Rinig ko ang pagkataranta ni Dylan hanggang sa napalitan ng kakaibang tunog ang kabilang linya. Para bang nahulog sa tubig ang telepono nya.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at naghanda na ako para umalis. Malakas ang loob ko na nasa restaurant si Dylan. At kung ano mang ginagawa nya doon, wala akong ideya.

Pagkalabas ko ng villa ay napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Dala nya pala ang sasakyan kaya wala akong choice kundi ang mag-commute. Pero hindi pa ako nakakalayo ng villa nang may biglang tumawag sa akin sa telepono.

"Silva!"

Silva: "Uhmm, Architect. We need you right now"

Ako: "Why?"

Silva: "Urgent Architect" Napabuntong hininga na lang ako at iniba ang direksyong tinatahak. Kung mamamatay man si Dylan sa kamay ni mama. Bahala na sya. Mas pinapalala nya lang ang sitwasyon. At mas nahirapan na akong mag-isip ng gagawin ko kay mama.

Matapos ang isang passionate kiss kagabi, pero bakit ko pa kailangang banggitin ulit iyon? Gulo ang bumungad sa akin sa site. May dalawang grupo ng kalalakihan na nag-sasagutan ng maaanghang na salita. Tumayo muna ako sa isang sulok para mag-obserba ng malaman ko kung sino sa dalawang ito ang sasapakin ko. Bumabagal ang project dahil sa mga drama nila. Tama na ang drama sa buhay ko, huwag na silang makisawsaw pa.

"Pare! Maliwanag ang usapan natin kagabi na ikaw muna ang magbabantay dahil manganganak na ang asawa ko! Pero anong ginawa mo, gumala ka pa!" Tinulak ng mamang sumigaw ang kaaway nito. Agad naman syang pinalayo ng iba pang kasamahan.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon