Chapter 89- Engaged

1.7K 22 0
                                    

"Alexander, may patay ba or something?" Turo ko sa isang bouquet ng puting tulips na katabi ng plato ko. Nakahanda na ang lahat sa lamesa. Ang pinakamamahal kong pancakes with cheese and honey, at ang hot chocolate. Ngumisi lang sya sa akin at nagkibit balikat.

Kumain na kami at casual lang ang lahat sa amin. Iyon nga lang, mas naging open at unti unti nang sumisingaw ang dating Dylan sa kanya. Matapos makamtam ang kalayaan mula kay Ina ay nabawasan na ang bigat na pinapasan ko sa pagtatrabaho. Pero may isang tao parin ang nananatiling nakakulong sa kanyang nararamdaman para sa akin.

Isang payapang site ang dinatnan ko. Nang-iwan ko ito ay isang gera kung saan marami akong pinatumba. Pero ang balita ko kay Silva, ibinalik na sa trabaho ang mga nasesante ko bukod kay dahadong lalaking nagsayang ng pera ng CEA.

"Water?" Inalok ako ni Dylan ng isang malamig na bottled water at tinanggap ko naman iyon. Nagsitaasan ang kilay ng mga nakakakita sa amin. Nasanay kasi sila na bangayan ang palaging inaatupag namin ni Dylan.

Ako: "Anong ginawa mo sa mga mixers?" Nagkibit balikat sya at uminom din ng tubig.

Dylan: "Bumili ako ng bago" Halos mabulunan naman ako sa pag-inom matapos kong marinig ang sagot nya.

Ako: "What?! Alexander! Akala ko ba nag-iisip ka na?" Tumaas na ang boses ko. Akala ko'y isang payapang araw ang meron kami. Sasagot sana siya ngunit naudlot ito nang sumingit sa usapan si Silva.

Silva: "Uhmm, Excuse me Engineer. Pero may naghahanap po sa inyo, Steve daw po" Sumilay ang ngiti sa mukha ni Dylan.

Steve? Ah, Steve the bestfriend

Dylan: "You want to join me?" Pag-aaya nya sa akin. Inirapan ko lang sya at hindi na pinansin. Binalik ko na lang ang atensyon sa trabaho.

Abala ako sa pag-iikot sa site ng mapansin ko ang pagkawala ng mga trabahante sa katinuan. Napahinto kasi sila sa pagkilos at nakapako lang sa iisang gawi ang atensyon nila. Tumaas naman ang kilay ko. Ako lang ang pwedeng gumawa noon sa kanila.

Aburido akong lumingon sa aking likuran at doon ko napagtanto kung bakit.

"Miss me?" Umirap ako at humalukipkip sa harap nya.

Ako: "Kahit kailan talaga hindi ka sumusunod sa patakaran no" Ngumiti sya sa akin at inagaw ang isang helmet sa isang trabahante ko at isinuot iyon.

"Okay na ba?" Ngumiti na ako sa kanya at lumapit nya sya sa akin. Sinalubong ko naman sya ng yakap kahit sa loob ko ay gusto ko syang sabunutan.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon