Chapter 59- Good girl

1K 20 1
                                    


"Architect, I'll pick you up okay. Wait for me" Bilin sa akin ni Darius

Ako: "Okay" Pagkatapos noon ay binaba ko na ang telepono.

Inayos ko ang aking buhok habang nasa harap ng salamin. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtext na sya na nasa lobby na sya. Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo at kinuha na ang pouch na syang tanging baon ko.

Pagkababa ko sa lobby ay bumungad sa akin ang isang matipunong Darius na nakasuot ng suit. Habang ako naman ay naka dress at heels. We're not going for a date, naatasan kami ni Boss na ipagpaliban muna ang pagbalik sa Palawan at dumalo sa isang malaking event na binubuo ng mga kilalang arkitekto at inhinyero sa bansa.

Ngiti ang ibinungad ko sa kanya sa halip na pagtataray. Sinusubukan ko kahit mahirap. Mahirap magpakabait. Inilahad nya ang braso nya at tinanggap ko naman iyon. Ramdam na ramdam ko ang mga matutulis na tingin ng mga babaeng nakakakita sa amin. Nilisan namin ang building kung saan matatagpuan ang condo ko.

"Ang ganda naman ng partner ko" Maligayang bulong nya sa akin bago ako pasakayin sa kanyang sasakyan. Hindi na lang ako kumibo at pumasok na sa sasakyan. Mayroon naman akong sariling sasakyan pero hindi ko na sya matanggihan sa tuwing may hihilingin sya. Tulad ng sabay kaming kakain tuwing lunch or dinner, ang kahilingan nyang ngumiti ako palagi at ang pag-alis ng pagiging mataray ko sa kanya. Lahat iyon ay ginagawa ko dahil sa utang na loob. Totoong may beetle na nag-aantay sa aking pagbabalik. Abot langit ang tuwa ko ng makita ko iyon katabi ng aking Audi. Sa tuwa ay nagawa ko syang yakapin. Pakiramdam ko kasi ay kulang ang mga salita bilang pasasalamat.

Sa loob ng isang buwan ay binuksan ko ang buhay ko para sa kanya. Mabait syang kaibigan. Sa totoo lang ay sya palang ang tunay kong kaibigan sa CEA. Pero hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa kanya.

Ako: "Bakit tayo pa ang pinadala ni Boss?"

Darius: "Asset daw tayo ng CEA"

Ako: "Asset? eh hindi pa nga tapos ang unang project ko for CEA. Wala pa akong napapatunayan" May halong pagtataray kong sinabi sa kanya. Hindi parin iyon maalis sa sistema ko.

Darius: "Akala mo lang wala, pero meron meron meron" Sagot nya sa akin. Sa pagkakataong iyon ay natawa ako. Magandang senyales na nagbabago na ako. Nababawasan na ang sungay ko.

"Sometimes you just have to believe in yourself. Like me. Almost six months pa lang kitang kilala but you got me" Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Hindi ko man itanong ay alam ko na ang ibig sabihin noon. Iniiwasan ko lang mag-react sa sinabi nya.

Hindi na ako baguhan sa larangan ng pag-ibig. Alam ko na kung may pagpaparamdam bang nagaganap o ano. Si Darius? malapit na syang maguluhan pero isa lang ang nasisigurado ko, wala syang aasahan sa akin.

Hinawakan kong muli ang kanyang braso nang pumasok na kami sa isang hotel kung saan gaganapin ang event. Elegante ang ayos ng mga tao maging nang venue. Napunta sa amin ang atensyon ng lahat pati ang mga lente ng camera. Ngiti na lang ang naisukli namin ni Darius.

Hindi ko alam kung anong meron sa akin at ganoon na lang ang atensyon na ibinibigay nila. O dahil kasama ko si Darius?

Nang tuluyan na kaming makapasok ay kung sino sino na ang binati namin. Hindi naglaon ay nagsimula na ang event at wala na akong ibang nagawa kundi ang maglaro na lang sa aking telepono. Paminsan minsan ay nakikipag-kompetensya pa si Darius sa pataasan ng score. Kakaibang tingin tuloy ang pinupukol ng mga kasamahan namin sa lamesa.

Natapos ang unang parte ng programa at gustong gusto ko nang umuwi. Pero hindi matuloy tuloy iyon dahil sa dami ng babaeng kumaka-usap kay Darius. Nagawa ko pang maging anghel sa loob ng treta minutos sa paghihintay sa kanya, pero naging demonyo rin ako dahil walang katuturan na ang pinag-uusapan nila.

Tumayo ako sa aking kinakaupuan at lumapit na kay Darius na may kausap na dalawang magandang babae. Kumapit ako sa kanyang braso at napatingin silang lahat sa ginawa ko. Ngumiti ako ng hilaw sa mga babae bago ngumisi kay Darius.

Ako: "Excuse me girls, but we need to go home" Hihilahin ko na sana si Darius nang sumingit ang isang babae.

Girl: "Wait miss. Sino ka ba?" May halong pagtataray na tanong nya sa akin. Umakyat naman ang dugo ko at nagdilim ang aking paningin. Kapag ninais ko nang umuwi, uuwi ako.

Ako: "Darius' girlfriend. So excuse us" Nagulat sya sa sinabi ko at ganoon din si Darius. Hindi na ako nagsayang pa ng laway at hinatak na papalayo si Darius.

Tulala syang nagpapatianod sa paghila ko sa kanya. Nang makarating na kami ng sasakyan ay saka lang sya nagising

Darius: "Kailan pa kita naging girlfriend?" nakangising tanong nya sa akin.

Ako: "It's a matter of life and death. I choose life for her kaya ko nasabi iyon" Sumakay na ako ng sasakyan at iniwan sya. Sumunod naman sya at pinaandar na ang makina.

Darius: "Wait, I don't get it"

Ako: "Alam mong demonyo ako. Pero pinili kong huwag magtaray sa kanya at hinatak ka ng mahinahon. Kailangan kong sabihin iyon para maka-uwi na ako" Nakangisi parin syang nagmamaneho.

Darius: "Wait, nagseselos ka ba?" Nakangiti nyang tanong sa akin. Sabi ko na nga ba, sana pala nagpakademonyo ako kanina.

Ako: "Huwag kang assuming. Masasaktan ka lang." Napasibangot sya sa aking sinabi. Kahit mabait na ako sa iyo, hindi ibig sabihin noon ay magkakagusto na ako sa iyo.

Inubos na lang nya ang oras sa pagdaldal ng mga kayabangan nya. Lalo na pagdating sa mga babae. Pagdating sa condo ay nagpaalam na ako sa kanya. Sana ay hindi magbago ang pagiging kaibigan nya sa akin. Sana ay hanggang doon lang iyon. Ayokong may masasaktan sa oras na may mahulog. Dahil kahit kailan, hinding hindi ko sya sasaluhin.

Bumalik na kami kapinabukasan sa Palawan at pinagpatuloy ang trabaho. Naramdaman din ng mga kasamahan ko ang mga pagbabago sa aking ugali. At ikinatutuwa ko iyon.

=x=

____________________________________________________________________________________

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon