"Good morning architect!" Bati ng isang kasamahan ko. Maaga naman akong nagising at hindi inatake ng hang over. Pero ang mga nangyari kagabi ay malinaw parin sa diwa ko.
Tumango ako sa kanila at dumuretso na sa kusina. Dinatnan ko si Darius na abala doon. Marunong naman pala sya ng gawaing bahay. Kukuha na sana ako ng baso para makapagtimpla ng kape ngunit nag-abot na kaagad ng timpladong kape si Darius. Bakas parin sa mata nya ang simpatya at awa sa akin. Tinanggap ko iyon pero hindi na ako tumingan pa sa mga matang iyon.
Ayokong kaawaan nya ako dahil sa nakaraan ko. Ginawa ko na ang lahat para makatakas doon at hindi na dapat ako kaawaan pa.
Naupo ako sa lamesa kasama ang ilang lalaki na kumakain ng almusal. Masayang nagkukwentuhan ang mga kalalakihan habang ako naman ay nagmamasid lang sa kung anong pwedeng mangyari.
Crisostomo: "Engineer Penikett! Bakit sa sala ka natulog? may LQ kayo ni Architect no" Tukso ni Crisostomo sa kapwa inhinyero. Ginatungan naman sya ng iba kaya lalong naging maingay ang lamesa.
Pasimple kong sinulyapan si Darius. Naupo sya sa bakanteng upuang nasa tabi ko bago sumagot.
Darius: "According to her, we're not even friends. Paanong magkakaroon ng LQ?" natatawa nyang sagot sa kanila. Hindi na bakas sa mata nya ang mga nangyari kagabi. Yumuko lang ako at hindi na kumibo pa.
Pascual: "Oww. Anong nangyari sayo Darius! Hindi tumalab ang charms mo kay Architect!" Kantyaw ng isa na lalong nagpasaya sa mga kalalakihan. Napayuko na lang si Darius habang nakangisi. Ngayon lang nawala ang yabang sa sistema nya.
Darius: "Shut up Pascual!"
Villanueva: "Architect, may boyfriend ka na ba?" Tila nagtungo lahat ng dugo ko sa aking ulo. Wala na dapat akong ikakaba pa. Wala naman akong tinatago.
Inangat ko ang paningin ko kay Villanueva. Nakapako sa akin ang mga paningin nila. Maging si Darius ay napatigil at naghihintay sa isasagot ko.
Ako: "Wala" Halos maibuga ni Crisostomo ang kanyang kinakain. Nanglaki naman ang mga mata nila maliban kay Darius na tulalang nakatitig sa kanyang baso.
Villanueva: "Eh? wala? But you're gorgeous, smart and sexy" Nasiko naman sya ni Pascual. Napatingin ako kay Villanueva saka ngumiti ng hilaw. Natulala naman sya sa ginawa ko.
Hinawakan ko na ang baso ko maging ang pinggan na pinagkainan ko. Tumayo ako sa aking kinauupuan saka nagtungo sa lababo. Nanatili silang tahimik habang hinuhugasan ko ang aking pinagkainan. Nang matapos ay humarap ako sa kanila.
Ako: "I'm single and not ready to mingle. Well, the truth is, I promised to myself that I will never love again" Walang gana kong sinabi sa kanila habang nakatitig kay Penikett bago lumakad papalayo sa hapag na iyon.
Pumasok ako sa kwarto at nag-ayos na. Ngayon ang unang araw namin para sa proyektong ito. Wala pa naman talaga ako dapat gawin dahil maghuhukay pa lang ng pundasyon pero pinasama na ako ni Boss sa islang ito. Walong buwan ang itatagal nito ngunit napagdesisyonan kong uuwi ako tuwing weekend.
Naging abala sila habang ako naman ay naburyo na sa kakahintay ng pwede kong gawin. Tapos na ang plano, tapos na ang desenyo, tapos na ang lahat. Pero wala akong magagawa dahil ganoon ang gusto nila.
Tinawagan ko si Assistant na nagpupunyagi na siguro ngayon dahil sa pagkawala ko. Tinanong ko sya kung may bagong inassign na ba na proyekto pero nabigo ako. Noong nasa kabilang panig pa ako ng mundo ay hindi ako nababakante. Pagkatapos ng isa ay tumatanggap ulit ako ng panibago. Humihinto lang ako kapag hindi ko na maipagkakasya pa iyon sa isang araw.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
Roman d'amourMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...