"Architect, Engineer Penikett is waiting outside" Walang ganang pagbabalita sa akin ni Assistant na nasa labas daw ang inhinyero.
Tinapos ko na ang paglamon sa aking sundae at itinapon ito sa basurahan. Mabawasan man lang ang kalat sa aking lamesa na punong puno ng mga dokumento. Ilang araw din ang ginugol ko sa pagdedesenyo ng rest house. Buti na lang at hindi masyadong demanding ang kliente at nagbigay ng sapat na panahon para sa mga requirements. Ngunit sa kabila noon ay hindi maiiwasan na magpuyat at mastress dahil sa mga revision sa design, sa plan at sa kung ano ano pa. Maging si assistant ay nastress at pakiramdam ko ay tumanda sya dahil sa problema.
"Let him in" utos ko sa kanya. Dali dali naman syang nagtungo pintuan at pinagbuksan ito.
Kasabay ng pagbukas ng pinto ang pagpasok ng malakas na hangin kalakip ang kanyang pabango. Presko syang pumasok sa aking opisina. Nakatupi ang kanyang long sleeve at lalong lumakas ang kanyang dating dahil doon. Suot nya rin ang kanyang ngisi na para bang may masamang plano palagi.
Bumaba ang tingin ko sa mga dokumentong nagsusumigaw sa harap ko na tapusin ko na.
"Architect. It's almost been what? one month?" Bumuga sya ng hangin saka de quatrong naupo sa sofa ng aking opisina.
"Isang buwan na magkatrabaho tayo but still, I need to wait outside your space huh" Singhal nya habang nakahalumbaba. Napailing ako at pinipilit na kumalma.
"Kapag ikaw naman ang naliligaw sa office ko, I treated you as my queen" Sumandal ako sa aking upuan at walang ganang tumingin sa kanya.
Ako: "What do you need Engineer Penikett?" Tumayo sya at lumapit sa aking lamesa. Itinukod nya ang kanyang mga kamay at yumuko ng kaunti para makapantay ako.
Darius: "Lunch tayo" napabuntong hininga ako at saka ibinalik ang atensyon sa gawain. Binale wala ang kanyang presensya.
Ako: "Kumain na ako. Kumain ka mag-isa" Dumuretso sya ng tayo saka nagsimulang maglakad lakad sa opisina.
Darius: "Why are you making it so hard for me to reach you? You're just few feet away from me but it feels like million miles away" Halata ang frustration sa kanyang boses. Itinigil ko ang paggawa at bumaling sa kanya.
I'm tired of this shit
Ako: "Darius-" Humarap sya sa akin at napatahimik naman ako doon.
Darius: "Why it is so hard for you to treat me as your friend. Palagi mo na lang akong tinatarayan-"
Ako: "I'm even rude to my assistant" singit ko
Darius: "Ang sama mo sa akin"
Ako: "Bakit? Binugbog ba kita?"
Darius: "Ni hindi ka marunong ngumiti" ngumiti ako ng hilaw sa kanya
Ako: "I can"
Darius: "Puro ka na lang trabaho"
Ako: "That's why I'm here. Not to study but to work"
Darius: "Pwede ba. Let me finish"
Ako: "Darius! Please stop this nonsense. Ang laki laki ng katawan mo pero ang drama drama mo. Inhiyero ka ba talaga o artista?"
Pinindot ko ang telepono at tinawag si assistant
Darius: "Ano? Tinawag mo na naman ang assistant mo at papalayasin ako dito. Look at your attitude!" Galit nyang singhal sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/29620650-288-k17477.jpg)
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...