"Mahal ko, mag-empake ka na"
Napakunot ang aking noo sa kanyang inutos sa akin. Nakahilata ako sa aking kama dahil gusto ko pang ituloy ang aking panaginip na naudlot dahil ginising ako ni Dylan. Sayang. Sayang na sayang. Maghuhubad na sana ng tshirt si Fafa Joseph Marco sa panaginip ko kaya lang ginambala naman ng isang ito ang aking pagtulog.
Ako: "Bakit naman ako mag-eempake?" walang gana kong tanong sa kanya. Ipinikit ko ulit ang aking mata. Fafa Joseph, bumalik ka na. Hindi pa tayo tapos
Dylan: "Magtatanan na tayo"
Napa-upo ako sa sinabi nya at pinandilatan ko sya ng mata
Ako: "Nahihibang ka na ba? magtanan ka mag-isa mo"
Tumawa lang sya sa akin. Letchugas to. Inabala ang pantasya ko para lang sa biro nyang nakakangilabot. Nahiga ulit ako ngunit nahiga rin sa tabi ko si Dylan at isiniksik ang sarili sa akin. Pilit ko naman syang itinulak palayo
Dylan: "Bilis na, pumayag na si tita"
Ipinikit ko ang aking mata dahil nanghihinayang talaga ako
Ako: "Meron bang magtatanan na magpapaalam pa sa magulang?"
Dylan: "Oo, tayo"
Ako: "Magtigil ka nga Dylan"
Tumalikod ako sa kanya at saka ko yinakap ang unan na katabi ko.
Fafa Joseph, Fafa Joseph
Nagulat naman ako ng yumakap sya sa likod ko at bumulong sa aking tenga. Nawalan ng silbi ang electric fan sa akin dahil biglang uminit.
Dylan: "Pupunta tayong Palawan" malambing nyang bulong sa akin
Napatayo ako sa aking narinig
Palawan?
Paraiso?
Ako: "Sa Palawan tayo magtatanan?!!" Sigaw ko sa kanya. Aaminin ko, nabuhayan ako ng dugo doon.
Hindi pa sapat ang aking ipon para makarating doon. Malapit narin ang kaarawan ko kaya baka magmall na lang kami ni mama. Parehong kulang ang ipon namin.
Ngumiti sya ng malaki sa akin habang nakahiga parin sa kama ko
Dylan: "Oo, sa Palawan" ngumisi sya sa akin
Namula ang aking mukha kaya tumalikod ako sa kanya at humarap sa electric fan. Ang hot nyang tingnan kaya umiwas na ako para hindi ako magkasala
Ako: "De bale na lang. Pagnakatapos na ako, mararating ko na lahat ng gusto kong puntahan. Magtanan ka mag-isa mo" malungkot kong sinabi
Kahit gustong gusto kong pumunta doon ay de bale na lang.
Dylan: "Mahal ko, hindi tayo magtatanan"
Napaharap ako sa kanya at naka-upo na sya habang nakahalumbaba, mas gumwapo sya sa paningin ko kaya tumalikod ulit ako at hinarap ang electric fan.
Dylan: "Pumayag ka na. Kasal ng pinsan ko at doon gaganapin. I want you to meet my family" Malambing nyang bulong sa akin
Yumakap sya sa likod ko saka nya ibinulong iyon. Mas lalong humina ang hangin ng electric fan kahit nakaharap na ako doon.
Ako: "Wala akong pera"
Dylan: "No need to worry, ako nang bahala sa lahat"
Napa-isip ako. Ito na ang pagkakataon kong makalipad sa buong buhay ko. Kaya lang, paano si mama? ayokong iwan sya mag-isa.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...