Chapter 81- Bloodstream

1.3K 21 0
                                    

"Are you okay?" Punong puno ng pag-aalala ang kanyang mata habang nakatitig siya sa akin. Hindi naman ako makasagot dahil wala pa ako sa katinuan. Namatay yata ang katinuan ko.

Bumusina ng malakas ang driver ng SUV na muntik nang magpadala sa akin sa langit. Nagising naman kaming pareho ni Dylan at agaran syang tumayo. Tinulungan nya ako at hiniwakan sa aking balikat na tila ba ano mang oras ay pwede akong mabasag.

Driver: "If you wanna die, huwag mo akong idamay!" Sigaw ng driver habang nanggagalaiting nakatingin sa akin. Sinamaan naman ng tingin ni Dylan ang driver at binitawan ako. Dali dali syang lumapit sa sasakyan at pinalo ang hood nito.

Dylan: "Shut the fuck up! bakit ba kasi ang bilis mong magpaandar! you're not in a highway!" Galit na singhal ni Dylan sa driver na tila hinahamon nito na bumaba ang kalaban. Dali dali naman akong lumapit sa kanyang likuran at hinawakan ang naninigas nyang braso dahil sa galit.

Ako: "Alexander, okay lang ako. Hayaan mo na" Pumikit sya ng mariin at unti unting huminahon. Humarurot naman paalis ang SUV.

Huminga sya ng malalim saka yumuko. Napansin ko naman ang dugo na galing sa kanyang braso. Mayroong gasgas at maliliit na sugat. Natamo nya siguro iyon dahil sa aming paggulong. Agad nyang inilayo ang kanyang braso at ako naman ang inispeksyon.

Dylan: "Okay ka lang ba talaga? hindi ka ba nasugatan?" Tanong nya habang tinitingnan naman ang aking braso. Inilayo ko rin iyon sa kanya.

Ako: "Bumalik na tayo ng villa. Ako na lang ang magluluto, kailangan nating gamutin iyang sugat mo"

Hindi na sya nagreklamo pa at nagpatianod na lang sa ginawa kong paghila. Ngayon ko lang ulit nahawakan ang kanyang kamay. May kuryeteng dumadaloy sa aking katawan at nagmumula iyon sa kanyang kamay. Nang lingunin ko sya ay nakatitig lang sya sa magkahawak naming kamay. Hindi ko na lang pinansin at mas lalo pang binilisan ang paglakad.

Pagkarating sa villa ay pinaupo ko na sya sa highstool ng mina bar. Mukha syang tupa na sunod lang ng sunod sa kung anong sinasabi ko. Agad akong kumuha ng first aid kit sa cr at inilapag iyon sa lamesa. Inusog ko naman palapit ang isang upuan patungo sa kanya ng magamot ko sya ng maayos. Naglagay ako ng alcohol sa bulak at agad iyon dinampi sa kanyang braso. Dumaing naman sya dahil sa akin.

Dylan: "Dahan dahan naman" Reklamo nya. Mas lalong tumaas ang kilay ko.

Ako: "Ano ba kasing pumasok sa utak mo at hinayaan mong masaktan ka? pwede mo naman akong itulak o hilahin? bakit kailangan mo pang sumama sa paggulong?" Sinimulan ko na ang pagsermon. Inunahan ko na sya dahil paniguradong pauulanan ako nito. Napapakagat naman sya sa kanyang pang-ibabang labi dahil sa sakit. Mas lalo yatang lalala ang sugat nya dahil sa diin ng paglilinis ko doon.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon