"Dylan"
"Hmmn?" Tumaas ang kilay nya saka bumaling sa akin. Nagmamaneho sya habang nanglalamig naman ang kamay ko dahil sa kaba
Ako: "May seminar kami" pinaglalaruan ko ang kamay ko habang nakikipagtitigan sa kanya sa rear mirror. Hindi ko kasi kayang harapin sya kahil ilang pulgada lang ang layo nya sa akin.
Dylan: "Ow, saan?"
Eto na, kumapit na ako sa aking seat belt
Ako: "Sa Tagaytay" at tama ang aking nararamdaman. Bigla na lang nyang inapakan ang break at halos maiwan na naman sa ere ang kaluluwa ko.
Humarap na sya sa akin at nahuli na nya ang mata ko
Dylan: "Ang layo naman? diba karaniwan naman nagaganap ang seminars nyo sa school?"
Ako: "Oo pero iba ito. Kasama na kasi yung ibang arki students from different school kaya hindi lang sya basta bastang seminar"
Huminga sya ng malalim saka sumandal sa kanyang upuan. Hindi parin kami umaandar, buti na lang at hindi uso ang traffic sa pinaghintuan namin.
Dylan: "Ilang araw?"
Ako: "Apat"
Dylan: "What! ang tagal naman nun"
Ako: "Dylan, kaya nga sa Tagaytay para may pagkakataon kami na lumanghap ng sariwang hangin dahil natutuyo na ang utak namin dito."
Dylan: "Anong gagawin nyo?" Tumaas naman ang kilay ko sa tanong nya
Ako: "Magswiswimming kami doon, baka sakaling may beach kaming makita doon" sarkastiko kong sinabi
Sumama ang tingin nya sa akin at nagsimula na naman syang sumibangot
Ako: "Dylan naman, syempre may mga activities na hinanda yung organization ng school para doon. May mga darating din na well know architects at siguradong marami kaming matututunan doon. At for sure, may certificates na ipamimigay"
Hindi kaagad sya nagsalita, pinaandar nya ulit ang sasakyan at namayani na naman ang katahimikan sa loob ng sasakyan. He's usually like this tuwing kailangan magdesisyon. Nananahimik kaming pareho at pinag-iisipan kung ano ba dapat.
Dylan: "Saan kayo tutuloy?"
Ako: "Sa Highlands, may hotel doon na tutuluyan namin"
Nanahimik ulit sya, okay ang bagal talagang magprocess ng lahat sa utak nya
Dylan: "Sige, but in one condition"
Ako: "What! si mama pumayag kasi may ipon naman ako, tapos ikaw may kondisyon?"
Dylan: "Talagang pinag-ipunan mo no"
Ako: "Anong gusto mo? mamigay ako ng ampaw sa kada jeep na hihinto at manghihingi ng pang-tagatay?"
Dylan: "Hay, papayag lang ako kapag kasama ako"
Ako: "What! nababaliw ka na ba! may klase ka kaya!"
Dylan: "Oo, nababaliw na ako sayo, kaya sasama ako sayo no matter what"
Sinamaan ko sya ng tingin at napahalukipkip na lang ako sa upuan ko. Nag-isip muna ako kung paano ko ba matutuwid ang utak nito
Ako: "Hindi ako papayag na umabsent ka para lang sumama sa akin"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomansaMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...