Chapter 73- Kahoy

1.3K 19 2
                                    

"Zach! magsasalita ka ba o ano!?" Pagalit kong sighal sa kanya. Halos isang oras na kaming nag-uusap sa skype pero hindi ko parin nakukuha ang sagot sa aking katanungan.

Zach: "Ay Dianne, I need to go. Bye!"

Ako: "Hey-" Bigla na lang naputol ang linya at nawala na ang pagmumukha ni Zach sa screen. Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa lahat ng taong maaaring maging suspect ng mga pangyayaring ito ay hindi ko makausap ng matino.

Palaging iniiba ni Zach ang usapan sa tuwing naaalala ko ang dapat kong itanong sa kanya. Nacontact ko naman si Christy pero wala daw syang kinalaman. Habang inubos lang ni Ate Jessy ang aking pasensya dahil sa halip na sagutin ang tanong ko ay bigyan ko na lang daw ng pangalawang pagkakataon ang Dylan.

Hindi na ako nakagawa pa ng presentation dahil sadyang wala na ako sa katinuan. Idagdag pa ang sermon ng aking ina na naalarma na sa mga panahong ito. Buti na lang at hindi ko sinabi sa kanya na nasa iisang condominium building lang kami ni Dylan.

"Dianne! Magkasama ba kayo ni Dylan?! magkasama ba kayo ng asawa mo?!" Nailayo ko ang telepono matapos akong sigawan ng aking ina.

Ako: "Ma, hindi ko asawa iyon. At kanina, tinulungan nya lang ako!"

Mama: "Tinulungan saan?"

Ako: "Muntik na akong mahold-up"

Mama: "Ano?! bakit? saan ka na naman ba naggagala?"

Ako: "Bumili ako ng hot chocolate sa 7/11. Pasakay na sana pero tumawag ka"

Mama: "Pambihirang bata to! sinisi mo pa ako! Huwag ka na ngang uuwi ng late! kaya ka nga bumili ng condo dyan eh!"

Ako: "Ma enough, rinding rindi na ako sa sermon nyo ni Dylan"

Mama: "Nagkakamabutihan na naman ba kayo?!" napakamot na lang ako sa aking sindido.

Ako: "Ma! kanina mo pa tinatanong iyan. Hindi nga!"

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon