"Please Dianne, If it is about our past, then I'll explain everything. Just please... please don't leave CEA"
Please, don't leave me
Maluha luhang pagsusumamo ko sa kanya. Nanatiling malamig ang dating masiyahing titig nya sa akin. It seems that she doesn't care anymore. Huli na ba ako, wala na ba talaga?
"Then I guess, I have to leave you for a while" Tumayo si Boss mula sa kanyang pagkakaupo at iniwan kaming dalawa. Laking papasalamat ko at hindi nya hinahayaang mawala si Dianne sa akin ng tuluyan. Nawawalan na ako ng pag-asa.
Huminto ang aking paghinga ng kalasin nya ang kanyang kamay mula sa aking pagkakahawak. Pakiramdam ko'y unti unti na syang nawawala. No
Ayokong makita na unti unti na akong binabale wala ng taong hindi ko kinalimutan kailan man. Ayokong makita na ibang tao na ang nagpapasaya sa kanya. Ayokong mabuhay ng hindi sya ang kasama hanggang sa huli.
Nananatili syang maganda sa aking paningin kahit matagal nang panahon kaming nagkahiwalay. She's always on my mind kahit saan ako magpunta. Pero masakit pala na ang taong pinapahalagahan mo sa lahat, ay siyang galit na galit sayo.
Dianne: "Engineer, like what I've said last time, past is past. Wala itong kinalaman sa nakaraan. I'm leaving CEA because it is my original plan." Pilit nyang pinapaliwanag sa akin ang bagay na iyon. Pero hindi ito magawang unawain ng utak ko.
Bakit kailangan nyang umalis? mahal na nya ba talaga ang lalaking iyon? Past? ganoon na lang ba kadali iyon?
Ako: "But please"
Dianne: "Don't worry, tatapusin ko ang last project ko sa CEA. I will not leave you hanging" Tumayo sya at tila huminto ang buong paligid ko. No no no, hindi na sya pwedeng mawala ulit sa akin.
Dali dali rin akong tumayo at hinawakan ang kanyang kamay. Hinigpitan ko iyon na tila ba hindi nya magagawang kumawala doon.
Ako: "Please, give me another chance. I'll do everything para makabawi. Just please don't leave me." Nagsimula nang tumulo ang aking luha. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Hindi na sya nakikinig sa akin. Ayokong kontrolin sya kahit takot na takot akong mawala sya.
Umiling lang sya at pilit na kumakawala sa aking pagkakahawak. Mas hinigptan ko pa iyon. Hanggat maaari, ayokong bitawan sya. Ayoko
"Pagod na pagod na ako. Ayoko nang manahimik na lang sa tuwing magkasama kayo. Please Dianne.. I love you" Lahat ng nasa utak ko ay nasabi ko na. Pero wala paring magandang sagot mula sa kanya.
Gumuho ang mundo ko nang muli syang umiling. Nanghina ako at unti unti syang nakawala sa akin. Bumagal ang takbo ng paligid. Naglakad muli sya palayo sa akin at sa pangalawang beses na iyon ay naramdaman ko ang sakit na matagal ko nang dinadala.
It's like the scene that I've witnessed five years ago. A scene na gusto kong ulitin para itama ang maling desisyon na nagawa ko. Nawala na naman sya sa akin, but this time, tama na ang pinili ko. Pero wala parin.
Mali bang piliin ko ang makakabuti para sa pamilya ko? mali bang pakawalan ko sya dahil ayokong mahirapan sya sa sitwasyon? Mali ba talaga ang pinili ko?
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...