"Good morning Dy" Bati ko kay Dylan na naka-suot ng apron na floral habang nagluluto ng pancakes para sa agahan. Matamis na ngiti ang una nyang iginawad sa akin.
"Good morning My" Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo. Humawak naman sya sa aking tiyan at may ibinulong doon.
"Good morning lil buddy" Natawa ako sa kanya. Mukha kasi siyang tanga tuwing ginagawa nya iyon.
Hirap akong naupo sa harap ng dinning table. Kinailangan ko pa sya para tulungan ako.
Ako: "Ayoko na nang ganito. It feels like I'm an Old hag whale" Malungkot kong sinabi sa kanya habang may tumulo na namang luha sa mukha ko. Lumuhod sya sa harapan ko at hinawakan ang magkabila kong kamay. Ngumiti sya sa akin at tiningnan ako na para bang ako ang pinakamaganda at pinaka-sexy na buntis sa mundo. Kahit ilang buwan na naming itong ginagawa, hindi parin nakakasawa.
Dylan: "My, kahit ba ganyan ka... uhmm, kalaki?" Pinalo ko sya at lalo akong nalungkot.
Ako: "Letche ka! Sa labas ka matutulog mamaya!" Galit kong singhal sa kanya. Binalot naman ng tawa nya ang buong kusina.
Dylan: "Mahal ko, huwag kang mag-alala. Matatapos din ito, babalik ka rin sa dati" Sinsero nyang sinabi.
Ako: "Paano kung hindi na?" ngumisi naman sya sa akin at tumayo ang balahibo ko ng dahil doon.
Dylan: "Edi pagtatrabahuhan ulit natin. I want another lil buddy" Sinamaan ko sya ng tingin.
Ako: "Hoy, ano akala mo sa akin? baboy?" Tumawa na lang ulit siya at tumayo na sa pagkakaluhod.
Dylan: "Whatever, kumain ka na lang Mrs. Cortez" Maligayang pagsuko nya sa topic namin. Wala naman akong nagawa kaya nanahimik na lang ako sa lamesa habang hinihintay ang pagkain ko.
Matapos makapagluto ay inilagay na nya iyon sa aking harapan. Agad ko namang kinuha ang chocolate syrup ngunit agad nya iyong inagaw sa akin.
Ako: "Dy!" Protesta ko sa kanya. Umiling iling lang sya sa akin at naglagay ng tama lang sa pancake.
Dylan: "Sumusobra kapag ikaw ang naglalagay eh. Magkaka-diabetes nyan si lil buddy" Napairap na lang ako sa kawalan at nilapa na ang pagkain.
"Kumain ka ng marami. Sisimulan ko lang iyong labahin ko. Behave ha" Bilin nya na para bang sya ang pumalit sa role ng aking ina. Siya na kasi ang umako sa lahat ng gawain sa bahay para daw masigurado nyang malinis ang lahat.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...