Chapter 4- The Engineer's First Attack

6.3K 105 28
                                    

Date: 23, January 2015

Time: 2:03Pm

Nandito ako ngayon sa isang Historical Church sa amin para idrawing ito. Ito kasi ang midterm exam namin sa visual communication.

Nakakuha ako ng magandang pwesto kung saan hindi nakakabwisit mag-drawing. Isang bench kung saan nasa ilalim ng isang malaking puno.

Solo ko ang pwesto dahil kalahati sa mga classmates ko ay nagsisikainan na. Hindi ako sumama dahil wala ako sa mood.

Paano naman kasi pag-bukas na pag-bukas ko pa lang sa Facebook account ko, Nakabalandra na ang mukha ng Crush ko at ng girlfriend nya kung saan kulang nalang magpalit na sila ng mukha.

Aggggghhhhhhhhhhh!! Nasabunutan ko na naman ang sarili ko at lalong pumapaling ang simbahan na dinodrawing ko.

At nagulat na lang ako noong may sumita sa akin sa tabi ko..

Wala naman ito kanina ah!

"Hoy miss! Huwag ka ngang mag-ingay dyan na parang nasunog yang ginagawa mo" wika ng isang lalaking may takip na bimpo ang mukha habang nakasandal sa sadalan ng bench, saan pa ba?.

Dahil hindi ako sanay na may nakikielam sa ginagawa ko plus bad mood ako, sinagot ko sya..

"Excuse me Mister, Kung naiingayan ka pwede ka nang umalis sa pwesto mo at humanap ka ng hotel at doon matulog, Hindi ito private place para patahimikin lahat ng gustong mag-ingay" mahingal hingal kong sabi sa kanya dahil sa bilis kong mag-salita. Pero sa kabila ng pag-rereklamo ko ay hindi man lang sya natibag sa pwesto nya at hindi na sumagot. Bwisit to ah..

Humiga ako ng malalim at ipinag-patuloy ang paggawa. Mas mahalaga ang grade ko kaysa sa toyong katabi ko.

30 minutes ang lumipas at naistabilize na ang aking dugo. Tao na ulit ako at hindi na dragon. Tumino na rin ang nangangalahati ko pa lang na drawing. At naramdaman kong gising na si toyo.

Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko na parang walang ibang tao sa mundo. Nahinto lang ito noong umatake ulit si toyo, nakapag-ipon yata ng lakas. Tsk.

Toyo: "Ano yang ginagawa mo?"

Ako: "Nagdadrawing"

At lumapit pa sya ng konti, from 4 rulers to 2 rulers.

Toyo: "Ano yung dinodrawing mo?"

Bulag yata to, tsk.

Ako: "Can't state the obvious? Simbahan"

From 2 ruler, lumapit pa sya at 1 ruler na lang ang layo

Toyo:"Ah, Akala ko Sapatos"

Anooooooooooooo? Sapatos????!!!!

Dahil sa gulat ko ay napatingin ako sa side nya, at mas na shock ako! Paano ba naman kasi, 1 ruler na lang ang layo nya at humarap pa sya sakin at mas lalong lumapit. Kaya noong tiningnan ko sya ay 6 inches na lang ang layo ng mukha ko sa mukha nya.

At ang mukha nya ay hindi lang basta mukha, Isa ito mukha mula sa Magazine cover. Napakagwapo, ay cute, eh gwapo pala, basta. Medyo singkit ang mata, Matangos ang ilong, May napakagandang ngiti na may mapuputing ngipin at napakakinis ng balat! Omaygulay! Lord kung mangsusuprise ka huwag yung ganito kalapit. wahhh

Natameme ako ng mga 2 minutes sa harap nya dahil huminto sa pag-function ang utak ko. Kahit hindi magkanda-ugaga ang puso ko sa pag-pump, hindi dumadaloy na matino ang dugo ko.

BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon