"Mahal ko, huy Mahal ko"
Unti unting bumagal ang takbo ng sasakyan. Unti unti ring bumalik ako sa katinuan. Napatingin ako kay Dylan na may pag-aalalang nakatitig sa akin. Inalis nya ang pagkakakabit ng seatbelt sa kanyang katawan upang mas maayos na makaharap sa akin.
Dylan: "May problema ba? may masakit ba sayo?"
Kinapa pa nya ang aking noo upang alamin kung may sakit nga ako. Umiling ako at inilayo ang kamay nya sa noo ko
Dylan: "Eh bakit parang wala ka sa sarili? mas gusto ko pang makita kang natutulog kaysa sa tulala ka. Ano ba, nahihirapan ka ba sa math? gusto mo mag-review ul-"
Ako: "Hindi, okay lang ako. May naalala lang ako kaya iniisip ko. Bumalik ka na sa pagdadrive"
Wala nang nagawa si Dylan kundi ang ipagpatuloy ang aming byahe. Alam kong nag-aalala sya sa mga ikinikilos ko. Pero mas maganda na rin ito para makapag-isip ako ng matino. Malaking problema to kung hindi ako makakapag-desisyon ng tama.
__________
Ako: "Zach?"
"Oo Dianne, si Zach to, are you free tomorrow night?"
Napakagat ako sa labi ko. Kung tutuusin mas mahirap pa to sa tanong ni Dylan sa Analytic
Ako: "Last day na ng exam ko bukas, I guess, but why?"
"I want to talk to you, importante lang. Kaya sana umoo ka"
Ako: "Tungkol saan ba?"
"Basta, see you tomorrow. Hihintayin kita sa Apo tree after your class"
Ako: "What! hin-"
"Maghihintay ako Dianne. toot-toot-toot"
=x=
Makikipagkita ba ako o hindi? kakausapin ko ba sya o hindi na?. Pero bakit? bakit hindi sya tumuloy? nagpaalam na sya ha
Tahimik lang kami sa buong byahe. Nang marating namin ang school ay wala parin ako sa sarili. Nagulat na lang ako nang bumukas ang pintuan sa side ko. Hinihintay na pala ako ni Dylan na lumabas. Pagkababa ko ay naglakad na kami patungo sa building ko. Kung gaano katahimik sa byahe ay ganoon rin sa paglalakad. Tila ang ganap ay Physically present ako but mentally absent. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa classroom ko. Napatingin ako kay Dylan na bakas parin ang pag-aalala sa mukha.
Dylan: "Mahal ko, hindi ko alam kung ano yang bumabagabag sa iyo, pero kalimutan mo muna kahit saglit. May exam ka pa sa math"
Napailing na lang ako na para bang inaalis ang ano mang mga thoughts sa utak ko saka ako ngumiti sa kanya. Nakita ko namang ngumiti sya pero alam kong pilit yun.
Ako: "Salamat"
Pagkatapos noon ay naglakad na sya palayo. Tama sya, si Analytic muna dapat ang iniisip ko.
Agad na nagsimula ang final exam namin sa math pagkadating palang ng prof namin. Hindi ko alam pero nadalian ako sa pagsasagot sa mga tanong. Pagkatapos noon ay sumunod na ang ilan pang exams ko sa ibang subject. Maghapon kong kinalimutan ang tungkol kay Zach. Kinahapunan ay tumawag si Dylan, hudyat na kailangan ko nang umuwi. At hudyat na kailangan ko nang magdesisyon.
Huminga ako ng malalim bago pindutin ang berdeng telepono sa screen. Narinig ko ang malumanay nyang boses
"Mahal ko, tapos na ba ang klase nyo? uwi na tayo?"
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...