"Architect, I need you tomorrow. Mr. Lim set an appointment at gusto nyang magreport tayo about sa nangyayari sa construction ng C mall" pormal na paalala sa akin ni Dylan habang kumakain kami ng hapunan. Well, simula nang alagaan nya ako ay tila nawala ang pagiging demonyo ko. Naging normal lang ang lahat sa amin. Nabawasan ang bangayan at nakakapag-usap narin kami tuwing hapunan. We act now like he's my boss at the same time my partner in construction.
Tumayo ako at kumuha ng kanin dahil hindi pa sapat ang nakakain ko. Thursday ngayon kaya ako ang naka-toka sa pagluluto. Inilapag ko iyon sa table at agad naman iyong binawasan ni Dylan.
Ako: "Siya lang? how about other investor?" Kaswal na tanong ko sa kanya.
Dylan: "They can't make it. Well Mr. Lim wants to monitor everything. Lalo na't sya ang may pinaka-malaking ininvest sa mall" Paliwanag nya saka sumubo ng pagkain.
Tumango tango na lang ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Nagkatinginan naman kami ng may nagdoor bell kahit gabi na.
Dylan: "Ako na" Tumayo sya at nagtungo na sa sala habang ako ay naiwan sa kusina at ipinagpatuloy ang pagkain. Ilang segundo lang ay bumalik na si Dylan na masama na ang timpla.
Ako: "What happened?" Malungkot syang tumingin sa akin.
Dylan: "Penikett" Pagkabanggit pa lang nya noon ay napatayo na ako.
"Wai-" Hindi ko na tinapos ang sasabihin nya at tumakbo na ako palabas ng villa. Bumungad sa akin ang isang taong matagal ko nang hindi nakikita.
Ako: "Darius!" Maligaya kong salubong sa kanya. Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya.
Darius: "Honey!" ibinigay nya sa akin ang isang pirasong rosas saka ako yinakap ng mahigpit. Ilang segundo lang ay tinulak ko sya palayo saka sya sinampal. Laglag ang kanyang panga sa aking ginawa
"Anong ginawa ko?" Suhestyon nya sa akin habang hawak hawak ang kanyang pisngi.
Ako: "Buhay ka pa pala! bakit ngayon ka lang nagpakita?!" Singhal ko sa kanya at pumamewang na ako sa kanyang harapan.
Darius: "I'm sorry okay! busy ako. Tumakas lang ako to see you!"
Ako: "Ano namang ginagawa mo dito?" Humalukipkip na ako sa kanyang harap.
Darius: "Let's have date"
Ako: "Kakakain ko lang" sumibangot sya sa akin.
Darius: "Come on, ang layo ng nilakbay ko to see you. Samahan mo na lang akong kumain" Napalingon naman ako sa loob ng villa. Tulala lang si Dylan sa harapan ng kanyang pagkain. Binalik ko ang atensyon ko sa kanya at nanatili syang umaasa na oo ako. Okay, I'm in the middle of a huge trouble. Bumuntong hininga ako bago sumagot.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...