"Iha, hindi na ba natin magagawan pa ng paraan ito" Pagmamakaawa sa akin ni Mr. Conrad, ang ama ni Dylan.
Isang linggo pa lang ang nakakaraan matapos ang hiwalayang naganap sa amin ng anak nya. Nagbago ang lahat sa buhay ko matapos noon. Parang noong nakaraang biyernes lang ay may boyfriend pa ako, pero noong lunes ay wala na.
I'm single and devastated
Hindi naging madali ang unang araw na iyon dahil umagang umaga palang ay sya na ang nasilayan ng mata ko kakapasok ko palang ng opisina. Nagmamadali akong pumasok at hinabol ang elevator bago ito magsara. Nakahabol naman ako pero tinakasan yata ako ng aking kaluluwa nang sya pala ang makakasabay ko sa elevator.
Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na inantala pa na sya ang makakasabay ko. Ang malas ko lang. Dadalawa lang kami doon. Matapos kong pindutin ang palapag kung saan ako nakatalaga ay hindi na ako kumibo. Lumayo ako sa kanya at inabala ko ang sarili sa pagkalikot ng telepono na wala namang kalibang libang doon. Kahit may maliliit na bulong na nagsasabing umasa ako, baka magbago pa ang kanyang isip. Pero nakarating na ako sa floor ko at walang nangyari.
Humakbang ako palabas at umaasang kikilos sya. Pero pinaasa lang ako ng mga bumubulong sa akin. Bago magsara ang pinto ay lumingon ako sa kanya. Nagtugma ang mata namin na pawang punong puno ng kalungkutan.
Iyon ang huling beses na tiningnan ko sya sa mata.
Gabi gabi ay umiiyak ako sa bahay dahil sariwa at sadyang masakit ang mga pangyayari. Normal naman ako sa opisina at pinipilit kong huwag ipakita ang pagiging mahina ko. Di naglaon ay naramdaman nila ang malaking agwat na namamagitan sa amin ni Dylan. Laking pasasalamat ko na lang at wala nang nagbanggit noon dahil masyado nang nakakarindi.
Ako: "Sorry Mr. Cortez pero mas interesado na po ako sa magiging career ko sa London" Paliwanag ko sa kanya. Napabuntong hininga sya at napasandal sa kanyang swivel chair. Kahit may tagapagmana na sya at pumapasok parin sya upang alalayan ito.
Nagulat ang lahat nang nasa paligid namin. Si mama, ang mga kamag-anak at mga kaibigan ko. Sa tagal kasi namin ay inaakala nila na panghabang buhay na iyon.
Walang forever, ang sabi nila
Pero para sa akin, nasa tao kung magkakaroon sila noon o wala. Sa aming dalawa, mas pinili nya na patunayan ang kasabihan na iyon. Iniwan nya ako.
Sila ang naging sandalan ko sa mga panahong humihikbi ako kahit wala nang tumutulong luha. Sila ang naging labasan ko ng sama ng loob dahil sa mga nangyari
Mr. Conrad: "You know Dianne, isa ka sa asset ng firm na ito. Clients love you at mahirap para sa akin na pakawalan ka. But I won't force you to stay. Alam kong kasalanan ng anak ko kung bakit ganito at alam kong kailangan mong mag-move on"
Ako: "Thank you Mr. Cortez. Wala po kayong kasalanan sa mga nangyari kaya huwag po kayong mag-alala. Thank you po sa lahat ng tulong at tiwala nyo po sa akin. But I really have to go" Nguimiti ako ng hilaw sa kanya. Simula noong lunes ay nawalan na ako ng emosyon.
Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako sa kompanyang pinagsimulan ko. Kompanyang syang dahilan kung bakit naging madali para sa akin ang magsimula sa larangang tinatahak ko. Doon nagsimula ang lahat ng mga pangarap ko. Mga pangarap na mas naging maganda kasama sya. Isa siya sa mga tumulong sa akin para malagpasan ang bako bakong daan para maging arkitekto. Pero kahit na gaano pa kaganda ang karanasan ko sa kompanyang iyon, hindi na kaya pa ng puso ko na makasama siya na nang-iwan sa akin. Hindi na baleng tahakin ko ng mag-isa ang madilim na daan kaysa naman maglakad sa liwanag na kasama sya. Tinapos na nya ang lahat, tatapusin ko din kung ano ang dapat kong tapusin.
BINABASA MO ANG
BLUEPRINT-An Architect and Engineer Chaotic Love Story-
RomanceMaraming love story na ang nabuo sa mundong ibabaw. Mayroong parehong maganda ang lahi, mayroong hindi pinalad na magkaroon ng magandang lahi ngunit naka-tagpo ng isang pang magazine cover na lahi. May You and Me against the world and drama at You a...