Chapter 98

320 34 9
                                    

Third Person's Point of View

MAKALIPAS Ang dalawang araw
Nakarating na 'rin sila ng Selmor.
"Nandirito na tayo." sabi ni Kalias sa kanyang mga kasamahan at itinago ang hawak nitong mapa bago bumaba sa kanyang kabayo.

Nagsibabaan 'rin ang mga kasamahan nito at sumilip sa bangin.
Hindi nila makita ang ibaba dahil sa
kapal na hamog na dulot nito.

"Tingnan n'yo 'yun! Ang daming iba't ibang nilalang ang nagsisiliparan sa itaas! A-ang laking ibon!" mangha na turo ng isang kawal sa kalangitan kaya't napatingala rin silang lahat.

"Hindi ordinaryong ibon 'yan. Lahat ng nakikita ninyong nilalang na lumilipad ay mga magical beast." sagot ni Kalias sa kanila at sumilip saglit sa ibaba ng bangin.

"Maiiwan ang mga kabayo rito. Mahihirapan tayo makababa ng bangin" dugtong na sambit n'ya at ibinaba ang mga kagamitan sa likod ng kabayo.

Sa kabilang banda dumungaw 'rin sila Viana at Zehra sa ibaba-
Habang sila talia at Visha naman ay itinatali ang mga kabayo sa sanga ng punong malapit sa kanila

"Grabe! Ang kapal ng hamog! Halos hindi na makita kung ano ang nasa ibaba ng bangin na'to! "mangha'ng usal ni Zehra at dumapa sa lupa habang nakatingin sa ibaba.

Samantalang si Viana naman ay tahimik na nakamasid sa kapaligiran
"Anong plano?" biglang tanong ni Visha kay Viana ng makalapit ito sakanila.

Nilingon s'ya nito at saglit na tumingin sa gawi nila Kalias.
"Tapusin ang misyon sakanila."aniya at muling tumingin sa malayo.

"Bago tayo pumunta sa gawing 'iyon." dugtong na sabi nito sabay turo sa dulo ng kagubatan.

Napakunot noo naman ang magkakaibigan at tumingin sa tinuro niya.
"Anong meron doon?"kunot noong tanong ni Talia.

Sinulyapan siya saglit ni Viana.
"May nararamdaman akong malalakas na presensya sa bandang 'yon. 'Paniguradong may mga legendary beast o 'di kaya ay celestial beast doon." aniya at ngumiti ng malawak sakanila.

"Excited na 'ko makita ang magiging familiar n'yo." masayang sabi nito sa dalawa.

Napalingon silang apat ng tawagin sila ni Asval.
"Nagsisimula na pala sila, Tayo na." Yaya ni Viana sa mga kaibigan.

Viana's Point Of View

INILATAG nila ang tatlong makakapal at mahabang lubid sa lupa.
Pinanood namin kung paano nila ito itali sa mga puno at inihagis ang naiwang lubid sa bangin.

Umabot kaya ang lubid nila sa ibaba?

Muli akong naglakad sa dulo ng bangin at dumungaw.
Hindi ko makita mula rito ang ibabang bahagi dahil sa kapal ng hamog na tumatabon 'doon.

Kinontrol ko ang hangin upang gumawa ng butas mula sa hamog.
Napaawang ang labi ko ng makita kung gaano kataas ang kinatatayuan namin ngayon.
Triple ang taas nito kumpara sa Kabundukan ng nyebe.

Wala na talagang pag-asang mabuhay pa kung sino mang tanga ang malaglag sa bangin na 'to.

Tinalikuran ko na ito ng makitang natatakpa'ng muli ng makakapal na hamog ang ginawa kong butas.

"Parang delekado naman ang ginagawa nila." sambit ni Talia.
Napatingin 'din ako sa tinitingnan nito.

Isa-isang bumababa ang mga kawal sa lubid na itinali nila sa mga puno.
Balak 'yata nilang magpakamatay.

Lumingon ako sa gawi nila kalias.
Nakita kong busy ito sa kanyang kausap na si Asval.
'Mukang seryoso ang pinag-uusapan nilang dalawa, ngunit 'mas seryoso ang sasabihin ko sakanila kaya naglakad ako papalapit sa gawi nilang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 7 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Got Reincarnated into Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon