Ella's POV"I have a tail, and I have a head, but have no body. I am not a snake. What am I?"
Kinakabahan man, dala siguro ng excitement dahil sa pagsapul ng kutsilyo sa lababo, ay mabilis ko namang nasagutan ang second test. Hindi ko alam basta I just did.
Simple lang naman, (first time kong sumagot ng tama sa isang logical question), the answer is COIN.
Narinig niyo 'diba? Coin ang sagot sa tanong. Let's just put it this way. If we are to toss a coin. There are two possible results. One is, it could be a tail and two is head. The coin doesn't have a body and is not a snake either. But it has both tail and head. Which means na coin talaga ang sagot.
Inilabas ko kaagad ang wallet ko sa loob ng bag ko. Umaasa kasi akong may coin ako sa wallet ko. At tsaka umaasa rin ako na magkapareho lang ang trick ng second test sa first test.
Noong binuksan ko ang wallet ko ay nabuhayan naman ako noong napag-alaman kong may piso ako at nahanap ko rin ang familiar na note.
Hindi ako nagkamali, magkapareho lang talaga ang trick ng first test sa second test.
I then unfolded the note and started reading.
3x² + 2x - x² + 8x - 2x² - 9x = ?
MATHEMATICS? Hindi maganda 'to.
But after a couple of minutes of staring at the equation (and I don't even know why I was just staring it), sinulat ko kaagad ang sagot.
And my answer is,
"x"
Hindi ko alam kung bakit (puro hindi ko na lang alam), basta kusang gumalaw ang utak ko at sumagot na parang may sariling utak ito. (may sariling utak ang utak ko, kumusta naman 'yun?)
Lumiko-liko agad ako habang umiikot. Umaasang makahanap ng letter "x". O kahit anong litrato o pigura na may letter "x".
Pero bago ko pa tapusin ang paghahanap ng letter "x" na 'yan ay umakyat muna ako ng kwarto ko para gamutin itong sugat sa kamay ko. Masyado na kasing mahapdi. Kung hindi man ako mamamatay sa gutom, mamamatay naman ako sa pagkawala ng dugo ko.
Tanga ko naman kase eh. Ano nga bang nakain ko at sinuntok ko 'yung pinto?
Nang makapasok na ako ng kwarto ay inilabas ko agad ang first aid kit ko. Nakaharap ako ngayon sa salamin.
Tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng itsura ko. May malaking pagkakaiba ito kumpara kaninang umaga lang. And dumi ng mukha ko. Bloodshot yung mga mata ko. Sobrang nasira ang buhok ko, buhaghag. Para akong narape sa itsura ko ngayon. Puno ng sugat ang dalawa kong kamay. 'Yung shirt ko na kanina ay crystal clear sa puti, ngayon ay puno na ito ng dugo.
Hindi ko na lang pinansin ang nakita ko at binuksan na ang first aid kit. Magbibihis na lang ako mamaya kapag natapos na 'tong larong 'to.
Kukunin ko na sana 'yung bandage sa harap ko pero bigla akong may napansin. 'Yung takip kasi ng first-aid-kit ay may kulay pulang nakaguhit na parang cross siya. Pero nung tiningnan ko ulit ito, imbis na cross ang nakita ko ay isa itong EX, as in letter "X" talaga.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...