Charles' POV
"A-aray! Araaaayy! Dorth, tama na. Sorry! Titigil na kami! Aray!" Reklamo ni kuya Arch na halatang nasasaktan sa ginagawa ni Dorth sa kanila ni kuya Gally. Si kuya Gally naman ay tahimik lang, pero halata mo sa mukha niya ang iniindang sakit.
Pagkapasok kasi ni Dorth sa kwarto ko, patakbo agad itong lumapit kina kuya Arch at Gally at kinurot ang tenga nito. Ako naman ay humagalpak lang ng tawa habang tinitingnan ang namumulang tenga ng dalawa.
"Bwahahahahahahaha! Sige Dorth, parusahan mo ang mga kuya mong iyan. Dapat lang 'yan sa kanila. Sinira pa nila ang kwarto ko."
"Ikaw rin naman ang dahilan ng lahat ng 'to eh! Kung hindi mo binigay kay Ella ang code, hindi sana siya nakapasok dito! At hindi sana nanganganib ang buhay niya ngayon! Alam mo ang pinagdadaanan ni Ella Charles! Pero ikaw na mismo ang tumulak sa kanya sa bangin. Sana ginamit mo ang kokote mo!"
"Kuya Arch knock it off!" awat ni Dorth kay kuya Arch, pero nagpatuloy pa rin ito sa pagsigaw.
"No Dorth, hindi mo naiintindihan. Wala kang alam sa mga nangyayari. Alam natin na ibang-iba ang Cognitive Brain Color ni Ella kumpara sa lahat ng tao dito. Not to mention her Affective and Psychomotor type. Mahigit sa Alpha type ang fighting skills niya. Higit sa ating lahat dito. Kaya walang dapat makaalam---" Napatahimik si kuya Arch at unti-unti siyang napaupo sa paanan ng kama ko. Hinilot din niya ang sentido dahil siguro sa frustration.
"Yeah. Alam na nating lahat 'yan, no need to remind us kuya. Kaya kumalma na kayo. Instead fighting why don't we start making a plan to get ate Ella out of this school?" Dorth said while pacing to and fro. I can see in her eyes the passion of intelligence. Talagang nag-iisip siya ng paraan.
"Yeah. Mas mabuti pa nga kung ganoon," pagsang-ayon ko saka marahang tumayo at nagpagpag kahit alam kong wala namang dumi.
Ngumiti si Dorothy sa'kin. Nilapitan niya ako saka hinala ang kamay. Nagulat ako nang kinuha niya rin ang kamay ni kuya Arch at pinilit niya kaming mag-shake hands. Wala naman kaming magawa dahil boss ang bunso namin kaya hinayaan nalang namin siya. Si Ella naman ang parating bullied pagdating sa akin.
"Oh ayan ah! Bati na kayo. Huwag na uulitin."
"Yes po manang," sagot ko saka ngumiti ng nakakaloko. Binatukan pa ako ni Dorth kaya napahimas nalang ako sa ulo ko. Mabuti pa si Ella hindi nambabatok. Mabait 'yon, may topak nga lang.
"Okay. But first things first," she said professorially then started pacing back and forth, again.
"Kailangan muna nating tingnan ang sitwasyon ni Ella sa top class challenge."
"Hindi na kailangan Dorth. Ang balita ko eliminated na si Ella," kuya Gally said then settled himself in a chair.
"You're wrong."
Kahit dalawang salita lang iyon. Nangunot pa rin ang noo nina kuya Gally at Arch sa sinabi ni Dorth. Pati ako'y nangunot din ang noo.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni kuya Arch.
"Hindi pa eliminated si Ella. Instead, they put her into a more complicated ... and ... perilous challenge." Dorth said those two last words like perfect enunciation is required.
"Ha? Saan?" nagtatakang tanong ni kuya Gally. Alam kong alam na nila kung saan ito.
"Sa killzone. The Crank's Maze," sagot ni Dorth saka tumingin sa paligid na tila may hinahanap.
"Kuya Charles. Asan ang laptop mo?"
Nagdaan ang ilang segundo bago ko nahanap ang laptop ko na tumilapon sa sulok ng kwarto ko.
Umupo si Dorth sa kama ko kaharap ang ngayong nakabukas ko ng laptop saka siya sumandal sa headboard. Nagdaan ang ilang minuto na nakatingin lang kaming tatlo kay Dorth na nagta-type ng kung ano sa laptop ko.
At sa wakas, hinarap na niya kami at nagsimulang magsalita.
"So we have here the maze's map. I already hacked it's monitoring system. Base on the scanning I made. There is about 27 cranks walking around the maze. And just to remind you, this is an example of a Crank," saad ni Dorth saka iniharap sa amin ang litrato ng Crank sa laptop.
"Dating estudyante ang mga Cranks. Specifically a past member of Top Class. Gaya natin, dumaan sila sa First stage ng Top Class challenge. Pero kagaya ni Ella, hindi nila naipasa ang Stage One. Tinapon sila sa maze as punishment and chance. Kaya lang, dahil sa mga challenges na nasa maze naging ganyan ang itsura nila. Sunog-sunog ang buong katawan."
"Binigyan ng task ang mga cranks, kailangan nilang maisolve ang maze para makalabas at kailangan din nilang gawing cranks ang mga estudyanteng tinapon doon. In short, delikado si Ella sa loob ng maze dahil may possibility na maging katulad siya sa mga cranks na 'yan."
"Dorth, alam na namin ang lahat ng iyan. Ang mga tungkol sa cranks, killzone at mazes. Pasalamat nga tayo dahil pinapasok tayo sa karate lessons. Kaya naipasa natin ng walang kahirap-hirap ang stage one." Sabi ko saka tumabi kay Dorth.
"Pero wala na tayong magagawa, kailangan lang nating pagkatiwalaan ang kakayahang meron si Ella ngayon," tama naman ang sinabi ni kuya Gally. Pero hindi pa rin mawala ang pag-aalala sa mga mukha namin lalo pa't hindi lang cranks ang maaaring harapin ni Ella. Mga challenges din sa loob ng Maze.
"Mabuti sana kung nagkaroon ng karate lessons si Ella, eh tayong apat lang naman ang pinayagang umatend ng karate lessons na 'yan," frustrated na saad ni kuya Arch.
"Kuya, magtiwala ka. Alam nating lahat na kakayanin niya kahit wala man siyang alam sa mga martial arts."
Nagtype na naman ng kung ano si Dorth.
"Here. Nakuha ko na ang location ni Ella. May kasama siyang bata ... at ... at ... Oh my..."
"Ano? Dorth bakit?" tanong ko kay Dorth saka kami nagkatinginan.
"Si Ella at ang bata, may kaharap silang crank. At ... pinapalibutan din sila ng cranks sa paligid. Shit! Hinahabol na sila ng isang crank, at may dala itong patalim. Eeeeewwww, ang pangit naman ng humahabol sa kanila."
"May gana ka pang manlait sa sitwasyong ito Dorth?" Tanong ko at napatingin nalang kaming tatlo kay kuya Arch na nakahawak na ngayon sa doorknob.
"Saan ka pupunta kuya?" Tanong ni Dorth na halatang nagtataka.
"Gagawa ng paraan. Mamamatay si Ella kung tutunga lang tayo dito."
"Anong gagawin mo?"
"Papasukin ko ang maze."
*****
Pasensya sa update guys. Haha
Please vote and comment.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...