Chapter 31: King of Hearts

11.4K 382 32
                                    

Chapter 31: King of Hearts

Ella's Point of View



Akala ko ba tapos na? May mga bagay pala talaga na akala mo'y tapos na, hindi pa pala.

Nagsimula akong maglakad at nilisan ang room na 'yon. Naglalakad ako sa field nang biglang humangin nang malakas.

Pakiramdam ko tinutulak ako nito. Dahil sa lakas ng hangin, nilipad nito ang suot na palda ng babae na naglalakad sa harap ko. Kita tuloy ang legs niya.

“Ayy, ano ba 'yan!” reklamo ng babae habang abala sa pagtulak pababa ng palda niya.

“Wow, flawless,” pabirong sabi ko sa sarili at nagmadali na namang maglakad. Buti nakajeans ako. Tinext ko si Vanessa na sasabay ako sa kanila ng lunch, at dumiretso na sa cafeteria ng mga omega.

Pagpasok ko palang, sumalubong sa akin ang nakakabinging sigaw ni Clark.

“ATE ELLAAAAAAAAA!!!”

Napatingin sa akin ang ibang estudyante sa loob ng cafeteria. At bumalik din sa kani-kanilang ginagawa.

Tumakbo si Clark para salubungin ako. At noong malapit na siya, aksidente siyang natapilok dahilan para madapa siya.

Alerto naman akong lumapit at tinulungan siyang tumayo. Pinahid niya ang dalawang palad sa harap ng kanyang suot na polo. Nabahiran ng kaunting dumi ang puting suot nito.

“Dahan-dahan lang kasi, nadapa ka tuloy. O may masakit ba sa'yo?” saad ko at chineck ang palad at siko niya.

“Wala po, ate Ella. Hihi, namiss ko po kayo ate!” ngumiti ako.

“Mas lalong namiss kita, Clark,” hinawakan ko ang kamay niya at sabay na kaming pumunta sa table namin kung saan nakaupo na si Kiara at Vanessa.

“Ella, kamusta ka na? Magaling ka na ba? Namiss ka namin,” bungad na tanong sakin ni Kiara. Magkatabi kaming umupo ni Clark kaharap si Kiara at Vanessa.

“Okay na ako, tsaka sobra ko rin kayong namiss. Kaya lang 'di parin pumapayag si kuya na lumipat na ako ng kwarto,” tumingin ako sa paligid. Kakaiba ang atmosphere ngayon.

“Naku okay na 'yon. At least pinaparamdam niya sa'yo na pinoprotektahan ka niya. Sweet niya talaga! Pero si King Charles ko ba? Okay lang ba siya?”

“Hindi naman siya nagkasakit. Ba't mo kukumustahin?” reaksyon ni Kiara sa tanong ni Vanessa. Napangiti nalang ako.

Pabirong hinampas ni Vanessa si Kiara. “Nagtatanong lang naman.”

Biglang tumuwid ng upo si Clark at nagtaas ng kamay. Sabay kaming lahat na tumahimik at napatingin sa kanya. Pati na rin sa nakataas niyang kamay.

“May tanong din po ako mga ate.”

“Ano 'yon?” sabay naming tanong.

Nakataas parin ang kamay niya habang nagsasalita. “Ganyan po ba talaga kayong babae? Salita nang salita? Forever na nag-uusap? Hanggang kailan po ba kayo mag-uusap para makaorder na tayo at makakain? Gutom na gutom na po kasi ako.” Binaba na niya ang kamay niya at ngumiti ng malapad. Halos mawala na ang mata niya sa sobrang singkit.

Nagkatinginan kaming tatlo. That ano-daw-sinabi-niya look.

“Ah, eh...” sagot ni Kiara.

“ii, oo, uu...” dagdag naman ni Clark at ngumiti na naman.

Nakapagdesisyon kaming lahat na umorder na dahil sa reklamo ni Clark. Ibang klase rin ang batang 'to.

Nauna kami ni Clark na nakabalik sa table namin. Habang naghihintay ay naisipan kong basahin ulit ang parang note.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon