Chapter 57: A Letter

7.9K 284 43
                                    

Chapter 57: A Letter


Ella's Point of View



"Ha? Anong patay? Sinong Arch? Ella..."

Patuloy sa pagpatak ang aking luha habang dilat ang aking mata. Malakas ang tibok ng aking puso. Nahihirapan akong huminga. Gulong-gulo na ako kung bakit ngayon ko lang naalala ang tungkol kay kuya Arch. Kung bakit ngayon ko lang naalala ang lahat ng nangyari sa loob ng maze.

"Ella..." naramdaman kong niyugyog ako nang marahan ni Flynn.

"W-wala," sagot ko nalang dahil alam kong hindi niya rin kilala si kuya Arch. Pero alam kong hindi naniniwala sa akin si Flynn. Sandali niya lang akong tinitigan saka siya bumuntong hininga.

"Tara na, hatid na kita sa mansion." Hinawakan niya ang kaliwang wrist ko saka niya ako hinatak. Nagpatangay na lamang ako habang malalim ang iniisip.

Hindi pwedeng wala akong gawin, kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kuya ko. Si Black, siya ang dahilan ng lahat ng ito. Kailangan kong humingi ng tulong kay sir Loid. Siya na lang ang maaari kong lapitan.

Si Uncle. Sigurado akong may alam siya sa mga nangyayari sakin ngayon. Maari rin akong humingi ng tulong sa kanya.

Tahimik lang kaming dalawa ni Flynn, hanggang sa narating namin ang mismong kwarto niya. Dumiretso na ako ng lakad ng wala man lang paalam sa kanya.

"Ella," tawag niya kaya napahinto ako. Humugot siya nang malalim na hininga. "Ella, kung ano man 'yang pinagdadaanan mo, nandito lang ako. Lagi akong nandito para sa'yo." Napalingon ako sa kanya.

Nakahawak na siya sa doorknob ng kanyang pinto habang nakatingin sa akin. Binuksan niya ang pinto habang nakatingin parin sa akin. "Sige, Ella. Goodnight."

Saglit akong napangiti saka ulit naglakad papuntang kwarto ni kuya Charles. Napatigil ako dahil sa naalala. Kaya ko ba? Kaya ko bang makit siya? Maisip ko lang ang mukha ni kuya Charles sumasakit na agad ang puso ko. Talo ko pa ang pinaasa ni crush at iniwan ng boyfriend.

Nakapagdesisyon akong kay Vanessa nalang muna ako tutuloy, tutal mag-isa lang din naman siya sa kwarto niya.

"Ella," nagkasalubong ang kilay ni Vanessa sa oras na makita niya ako pagkabukas niya ng pinto. "Uh. What are you exactly doing here? Like here, outside of my room." Tumingin-tingin pa siya sa labas.

"Pwede ba akong pumasok? Dito ako matutulog," saad ko at naglakad papasok ng kwarto niya. Pero pinigilan niya ako.

"What's going on? May kwarto ka naman, bakit ayaw mo do'n sa kwarto ng kuya mo?" she asked, arms crossed with her brows raised as high as Mt. Mayon.

"Gusto mo palit tayo? Doon ka, dito ako sa kwarto mo," mabilis akong pumasok kaya hindi niya ako napigilan. Dumiretso ako sa higaan niya at dumiretso ng pikit. Naramdaman ko ang yakap ng kumot sa sakin. Doon ko rin naramdaman ang lungkot at pagod.

Narinig ko ang pagsarado ng pinto at yapak ni Vanessa. Gumalaw ang higaan kaya nagdilat ako ng mata at tinignan siya. Nakasquat siya sa higaan habang may binabasang makapal na libro.

"Sabihin mo nga sa'kin, bakit ba ayaw mong matulog sa kwarto ni'yo ni king Charles? Nag-away ba kayo?" tanong ni Vanessa habang concentrate parin sa binabasa.

Napaisip ako kung tama nga bang sabihin ko sa kanya ang tungkol kay kuya Charles. Mapagkakatiwalaan ko naman itong si Vanessa, no doubt about that.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon