Chapter 14: Comfort Room

24.2K 916 50
                                    

Ella's POV

NAGTATAKA man ay binigay pa rin ni Max sa huli ang singsing sa lalake. Pinaliwanag ko naman sa kanilang lahat ang dahilan kung bakit ko inutusan si Max na ibigay ang singsing at nagbigay naman sila ng approval na tama ang ginawa ko. Alam ko kasing hindi nagsisinungaling ang lalake dahil sa description na ibinagay niya sa hinahanap na singsing.

Mabuti naman at napatunayan naming nagsisinungaling ang tatlong babae kanina, kung hindi ay hindi na niya mahahanap pa ang singsing. Nagpasalamat din ang lalaki sa amin dahil nga nahanap namin ang singsing niya. Nag-insist pa siya na bayaran kami ngunit hindi namin ito tinanggap. Inaya niya rin sanang ilibre kami kahit coffee lang daw kaso may flight pa kami kaya wala rin.

Habang papasok kami sa airplane ay 'di ko napigilang titigan ang mga kasama ko mula sa likod. Sadyang namangha lang kasi ako sa kanila. Lalo na kina Max at Kezia. Hindi nga talaga pangkaraniwan ang mga tulad nila. At ganoon nga siguro ang lebel ng pag-iisip ng mga Green Cognitive type. Alam na ata ni sir Loid sa simula pa lang na kayang-kaya nila Max at Kezia ang sumuri ng mga ganoong klaseng sitwasyon.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay siniguro kong sa may bintana ako banda makaupo.

Katabi ko si Flynn at sa ibang row naman sina Kiara, Vanessa, Kezia at Max. Si sir Loid naman ay 'di ko alam kung saan naupo.

One hour and thirty minutes lang daw ang flight namin kaya natulog muna 'yong mga kasama ko at ako naman ay nagpatuloy lang sa pagbabasa.

About ten minutes have passed then I felt like sleeping. So I hugged my book and rested my head against the seat. And in just a snap, with the closing of my lids, I went lost to a sleep.


MAYROONG bumulong sa tenga ko. Sobrang mahina ang bulong na ito ngunit naging dahilan parin upang magising ako. Minulat ko na lang ang mga mata ko at nilingon ang taong kanina pa bumubulong.

"Ano ba---" magrereklamo sana ako ngunit natigilan ako. Wrong move pala ako kaya nandilat ang dalawa kong mata. Sobrang lapit kasi ng mukha ko sa mukha ni Flynn kaya muntikan na kaming mag-kiss. Tinalikuran ko siya agad at umayos din ako ng upo.

Tumikhim ako saka nagsalita. "May kailangan ka Flynn?" Tanong ko sa kanya, nahihiya ako, at ramdam ko rin ang pag-init ng mukha ko.

"Sumunod ka..." seryoso niyang sabi saka tumayo. Tumayo nalang din ako at sumunod sa kanya.

'Yong ibang taong kasama namin ay tulog at marami rin naman ang gising pero tahimik lang sila. Napansin ko ring wala sina Kiara at Vanessa sa kaninang inuupuan nila at pati na rin sina Max at Kezia. Saan na kaya ang mga 'yon?

Tiningnan ko ang wrist watch ko at nalaman kong 10:34 AM na pala. Kanina lang, bago ako natulog ay 10:16 AM pa. Mahigit fifteen minutes lang pala ang natulog ko, akala ko pa naman oras na.

Tumigil si Flynn sa paglalakad at hinawakan ang doorknob ng CR. Teka? CR 'to na babae ah?

"Ahmm. Flynn, CR 'to ng babae ah? Papasok ka diyan?"

"Huwag ka sanang mabibigla," sagot niya sa tanong ko at tuluyan ng pumasok. Nangunot naman ang noo ko sa nabigay niyang sagot. Hindi nga applicable na tawaging SAGOT ang sagot niya sa 'kin eh. Ganunpaman ay pumasok na rin ako. Wala naman akong magagawa kung 'di ang sumunod. At kilala ko rin si Flynn.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa CR ay sina Vanessa at Kiara agad ang nakita ko. Pero ibang Vanessa ang nakikita ko ngayon ... dahil ang kilala kong Vanessa na sa unang tingin mo palang ay masasabi mong maldita, palaban, at walang kinatatakutan ay nanginginig na ngayon sa takot.

Kahit pa sa sobrang gulat ko, hindi ako nagdalawang isip na tumakbo palapit sa kanila.

"A-ano bang nangyari? N-nessa?" tanong ko habang hinahawakan ang balikat niya. Naaawa ako sa nakikita ko ngayon. Nakaupo si Nessa sa isang mahabang upuan at nakayakap lang sa sarili niya habang nanginginig. Si Kiara naman ay mukhang kanina pa pinapatahan si Vanessa. Nakikita ko rin ang pag-aalalang rumehistro sa mga mata niya.

"Vanessa, please magsalita ka. A-nong n-nangyari?" Imbis na sumagot ay niyakap niya lang ako. At doon ay umiyak siya nang mahina. Niyakap ko nalang din siya at pinatahan. Habang si Kiara naman ay patuloy lang sa paghaplos sa likod ni Nessa.

Maya-maya pa ay tumigil na si Nessa sa pag-iyak. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti ng pilit.

"Ano okay ka na?" Tanong ko habang hawak ang dalawang kamay niya, tumango lang siya sa 'kin.

"Ella..." tawag sa 'kin ni Flynn, sinenyasan niya akong sumunod.

Magpapaalam na sana ako kay Vanessa pero tumango na siya. Nginitian din ako ni Kiara kaya tumayo na ako at pumasok sa cubicle. Hindi ko pa alam ang dahilan ng pag-iyak ni Vanessa. Ano nga ba kasi ang nangyari?

"...she is, I mean was a doctor of one of the most popular hospital in the Philippines. And she is also a scientist, specifically a chemist."

Pagpasok ko ay naabutan ko sina sir Loid, Max at Kezia na nag-uusap habang si Flynn naman ay nakatayo lang sa bandang kurtina.

"Her family lives in Tagaytay."

"She stayed in London for about 7 years as an excellent chemist."

"Divorced and has three kids, one boy and two girls."

Napansin ni Kezia ang pagdating ko kaya tumigil siya sa pagsasalita at tumayo.

"Ella, you should see this..." sabi ni Kezia sakin sabay hawak nang marahan sa kaliwang balikat ko. Tumango lang sa 'kin sina sir Loid at Max at nagpatuloy na sa kanilang ginagawa. Napansin kong busy sina sir Loid at Max sa kani-kanilang G-tech Device.

"Ano ba kasing meron?" Hindi ako sinagot ni Kezia at marahan lang siyang lumapit sa bandang kurtina kaya lumapit din ako. Ano bang meron sa likod ng kurtina? Baka may nakita si Vanessa rito kaya siya ngayon umiiyak.

Hinawi ni Flynn ang kurtina kaya unti-unti akong sumilip. Hindi ko alam pero bakit biglang parang bumagal ang oras? Bigla ring bumagal ang paghawi ni Flynn kaya 'di ko maiwasang kabahan sa kung ano man ang makikita ko.

Nagtaka ako kung bakit 'di ako nagulat o natakot man lang sa nakita ko. Well, maybe a bit. Siguro dahil na rin sa iniexpect ko ang kung ano man ang makikita ko.

Imbis na takot ay awa ang naramdaman ko sa oras na makita ko ang taong nakahandusay sa sahig. Napapalibutan siya ng dugo, at puno rin ng dugo ang kanyang katawan.

Matamang tinitigan ko ang nakaririmarim na anyo ng babaeng nakahandusay sa sahig, at napag-alaman ko na pauli-ulit siyang sinaksak mula sa leeg hanggang sa tiyan niya. Imbis na laslasin ang kanyang leeg ay sinaksak ito, dahilan para bumaha ng dugo sa paligid niya.

"She's Cynthia Rose Hill, one of the passengers like us. She got killed this 10:08 AM in this spot, precisely 43 minutes ago."

"Paano niyo nalaman ang time of death? 'Di ba dapat dumaan pa ang katawan ng babae sa autopsy?" Tanong ko, may konting alam ako tungkol dito dahil sa mga napapanuod kong movie.

"Yeah, she's right. And estimating the time of death for this deceased lady is something that the pathologist will do during the course of the autopsy procedures," pagsang-ayon sa akin ni Flynn. Wala naman kasing pathologist dito sa amin para malaman ang time of death.

Nilingon ko si Kezia para mapakinggan ang paliwanag niya, at sa paglingon ko ay natamaan ng dalawang mata ko ang katawan ng babae. Sa kaliwang banda niya ay may nakasulat gamit ang dugo niya. Tinitigan ko iyong mabuti, at ang nakasulat ay...

68, 53, 20

*****

Thanks for reading.

Please vote and comment.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon