Chapter 53: Angampora
Ella's Point of View
I was expecting him to wear some black crappy outfit and a mask to cover his face. But he wasn't. He was wearing his typical Blue-Moon-High uniform which I must say suits him. Considering my brother's looks and physical appeal. Yes, he is my brother. I always forget pointing that fact out.
I know that it is not a good thing to point fingers. Lalo na at wala pa akong matibay na katibayan na magpapatunay na siya nga ang lalaking umatake sa akin sa gabing iyon. But that doesn't mean that I shouldn't be careful, that I should put my guard down.
"K-kanina ka pa kuya?" I bit my lower lip for stammering. I tried to look directly into his eyes. "Sa'n pala punta mo? Gusto mong sabay na tayo?" wrong move Ella! Wrong move! Sigaw ko na lamang sa aking sarili.
Dumaan ang ilang segundo pero hindi parin siya nagsasalita. Which is creeping me out. Really.
"Ella," he called, chills icing the back of my neck.
"Po? Kuya?" I almost stammered, again.
"Bakit mag-isa ka lang?" tanong ni kuya Gally sa'kin. Hindi ko alam pero iba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko siyang nagsasalita.
Tumingin ako sa madilim at tahimik na paligid, saka ko narealize na mag-isa nga talaga ako. "Ah, oo! Mag-isa nga ako kuya. Buti napansin mo, hehe." I almost bit my lip for what I just said. Saka ako napakamot.
Ganoon parin ang ekspresiyon ng kanyang mukha,na parang hindi humihinga. Napalunok ako noong nagsimulang tumambol itong puso ko.
Both my eyes caught the movement of his right hand. Tila bumagal ang pagtakbo ng oras, pakiramdam ko rin bumagal ang kanyang pag-galaw. Nakita ko kung paano niya dahan-dahang inilabas ang isang syringe mula sa likurang bulsa ng kanyang suot na jeans.
Hindi ako sigurado dahil madilim na ang paligid pero sa tingin ko ay may kulay blue na liquid ang nasa syringe. Hindi ko maiwasang mapaatras.
"K-kuya?" I stammered. Nandidilat ang aking mga mata. Napatitig ako sa hawak niyang syringe.
"Ella," he took a step forward as he mentioned my name. I found myself stepping backwards. Hindi na magkamayaw ang aking puso sa sobrang kaba. Then something weird happened.
Biglang pumikit si kuya Gally at yumuko. Napatingin ulit ako sa madilim na paligid. Umiling-iling siya na tila may iniisip na malalim, saka siya napabuntong-hininga.
"Hindi na tama 'to, we should stop," he murmured. As if talking to himself.
Nakita ko kung paano niya ibinalik ang syringe sa kanyang bulsa, na siyang nagpagaan ng aking loob. At siya ring dahilan ng aking pagtataka.
Nagmulat ng mata si kuya at hinarap ako. Saka niya ako nilapitan, gusto ko sanang umatras ngunit hindi ko ginawa. And next thing happened.
Huminto siya sa tabi ko at inakbayan ako. Napatingin ako sa kanya, kasabay noon ang pagngiti niya nang malapad. This is the first time, the first time I saw him smiled. Lahat ng takot at kaba ko sa oras na ito ay nawala. Kahit ang galit ko sa kanya, pakiramdam ko pati iyon ay nawala.
"Ella," diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. "I'm sorry."
"Sorry saan, kuya?" I asked, pretending to be blind.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...