Chapter 28: Charles and His Pranks

12.6K 418 146
                                    

  

  Loving her is painful. But missing her is much more painful. - Anonymous



Chapter 28: Charles and His Pranks

Ella's Point of View



| 19 | 9 | 14 | 15 |

| 1 | 14 | 7 |

| 16 | 9 | 14 | 1 | 11 | 1 |

| 7 | 23 | 1 | 16 | 15 |

| 13 | 15 | 14 | 7 |

| 11 | 21 | 25 | 1 |


Tinitigan ko ang mga nakakabobong mga numbers na ito for about 5 minutes or so. I sighed heavily.

Paano ko naman masasagot ito? Nakita ko lang ang numbers parang sasabog na ang utak ko.

I sighed again. Naglakad na lang ako at humiga ulit sa higaan ko. Tinapon ko ang note na naglalaman ng question ni kuya sa kung saan. Ang note na magiging dahilan ng pagkakakulong ko rito.

I closed my eyes. I can only see black at the back of my lids. I tried emptying my mind. Plunged into plain nothingness.

Sana ganito nalang, 'yong walang pinoproblema. Walang iniisip.

Nagpagulong-gulong ako.

I felt the bed, it was like embracing me. Giving me the comfort I need. Saying it's okay.

Nakikita ko na ang sarili ko sa mga susunod na oras.

First. Hinding-hindi ko masasagutan ang code na ito. Kung code nga ang tawag dito.

Second. Not being able to answer these set of numbers means not being able to get myself out of this room. Makukulong ako!

Third. To state the obvious, mananatili akong nakakulong hanggang sa bumalik si kuya.

Nagpagulong-gulong ulit ako. Nakakafrustrate naman 'to.

And without intending to, I just remembered Clark with me here in this very room.

“Alam mo ate, ibang-iba ang mga kaklase ko kumpara sa mga kaklase ko sa dating school ko.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ng bata.

“Una, they are way smarter compared sa mga kaklase ko noon. Pangalawa,” huminto ako sa ginagawa ko at umupo sa higaan kaharap si Clark.

“... they're not friendly. Gaya nga ng inaasahan ko ate. Mas masaya pa ngang kasama ang mga kalaro at kaklase ko noon eh.”

“Bago ka pa kasi kagaya ko dito sa Blue Moon High. Bayaan mo, Clark makakahanap ka rin ng mga kaibigan dito. Sa cuteness mong 'yan hindi ka makakahanap ng kaibigan?” Saad ko at ngumiti.

“Sana nga ate eh, pero hindi pa po ako tapos ate. Pangatlo,..” tumingin-tingin si Clark sa paligid as if may makakarinig ng sasabihin niya. To think na kaming dalawa lang naman ang nandito.

Umusog siya palapit sa akin. At pabulong na nagsalita, “Ate, 'yong mga classmates ko. Ang weird nilang lahat. Para silang mga robot. Para silang,... WALANG BUHAY.” Nangunot ang noo ko sa pagtataka. Nanindig din ang balahibo ko sa batok.

“Bakit mo naman nasabi yan?”

Tumingin ulit si Clark sa paligid. “Eh kasi ate, kahit minsan hindi ko sila narinig tumawa. Pag may sobrang nakakatawa ako lang ang humagalpak ng tawa tapos sila diretso parin ang tingin sa white board. Tapos pag nakikinig sila sa Teacher namin, they're almost not blinking. Para silang mga robot instructed to do one thing. Ang creepy po 'diba?”

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon