Chapter 29: Another Stupid Game

12.2K 358 35
                                    

Chapter 29: Another Stupid Game

Ella's Point of View



Nanginginig ko itong itinutok sa kanya. Beads of sweat began dripping its way down to the face of the floor.
I started heaving.

Seconds later, I spaced out.

Nakikita ko ang pangyayari kung paano ko paulit-ulit na pinagsasaksak ang tiyan at leeg ng lalaki.

Tumalsik sa akin ang presko at pulang likido.

Nakita ng sarili kong mata ang pagkalat ng dugo sa sahig. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang tanawing iyon.

I snapped into reality when I heard the man utter a word. Mas nilapit ko ang dulo ng patalim sa leeg niya.

I was shaking, not because I'm scared but because of the image that played into my mind.

Ilang galaw lang ng taong ito at maari ko siyang mapatay, at iyon ang ikinatatakutan ko!

Natatakot ako sa sarili ko!

“Maawa ka, huwag. Huwag mo akong patayin---” pagmamakaawa nito.

It felt like my voice was caught by my throat. Not being able to speak. But I pushed myself to voice out a word. “Sino ka? Bakit mo 'to ginagawa? Bakit gusto mo kong patayin? Sino ang amo mo?”

Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong natanggap.

“Magsalita ka!---” tila natakot siya sa ginawa kong pagsigaw kaya siya nagsalita.

“Napag-utusan lang ako---”

“Sinong nag-utos sa'yo?”

“Eh hindi ko naman kasi alam na ganito pala kalakas ang kapatid ni King Charles---” tila nabingi ako sa kanyang sinabi.

“Si kuya? Si Charles Stern ba ang tinutukoy mo? Siya ba nag-utos sayo?! Ha?!”

“Aray!” - namulat ako sa kanyang pagsigaw. A small amount of blood from his neck dripped down to the floor. I saw its small bead, staring back at me. As if accusing me.

Huli na nang malaman kong nadaplisan ko pala ang leeg niya gamit ang kutsilyo. Nanlaki ang mata ko. Napaatras ako at binitawan ang patalim. It slipped from my fingers and clattered down with a sound "clunk".

"Sorry," nasabi ko.

Nag-iwas ako ng tingin. Dahan-dahan siyang tumayo. At nakahawak pa siya sa balakang niya. Hindi ko parin siya nakilala dahil nakasuot parin siya ng parang mask niya.

Nagpagpag siya as if na may dumi siya. “Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang Ella na sinasabi nila.”

Pinagmasdan ko lang siyang nakatayo sa harap.

Aalis na sana siya ngunit bigla siyang natigilan. “Mag-iingat ka," pabulong na saad nito.

And with that, he was gone. The door left open behind him.

I felt a pang of dizziness whirling my mind. Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko.

Gusto akong ipapatay ni kuya Charles!

But it might be a joke, right? He must be joking, right? He has to be.

Lumitaw sa isipan ko ang pilyong mukha ni kuya Charles. Smiling, teasing, mocking... He can't be.

Ano bang meron sa akin at gusto nila akong mamatay? Pag patay na ba ako matatahimik na sila? Will that make them happy? Will that satisfy them?

Bakit pa ako binigyan ng buhay ng panginoon kung marami rin namang gustong pumatay sa akin? Naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon