Merry Christmas! I love you.
Chapter 49: An Activity
Ella's Point of View
“I could tell, this must be your lucky day,” ngiti-ngiting anunsiyo ni ma'am sa amin. Nagkatinginan ang karamihan sa estudyante.
“Bakit naman po, ma'am?” unang nakapagtanong si Max sa 'min.
Imbes na sumagot ay mas ngumiti pa siya.
Ano 'to? May topak na ba siya?
“Ang creepy ni ma'am, ha? Hindi niya ba alam na kinikilabutan tayo sa ngiti niya?” bulong sa 'kin ni Vanessa na nasa kaliwa ko lang.
“Ano ba kasing meron? Bakit ganyan siya makangiti?” Kiara added, whispering.
“Wala tayong lecture sa araw na ito,” she paused for effect, “may gagawin tanong activity, instead. And I must say that this activity would be fun.”
Nagkatinginan ulit kaming lahat. At ilang minuto lang, nandito na kami sa training room ng Crest Compound. Nakasquat kaming lahat sa sahig. We formed a circle while giving a big space in the center.
Nakatayo ngayon si ma'am sa gitna ng space, at nakangiti parin. Dahil sabi niya nga may activity, iilan sa amin ay excited na rin. And I can feel that this activity would be fun.
“Students, listen. Okay, kagaya nga ng sinabi ko kanina, may activity tayo. At kumuha ako ng dalawang tao na magsisilbing facilitator sa activity na ito. And guess who?” pagkatapos na pagkatapos sabihin ni ma'am 'yon, bumukas ang pinto ng training room.
Lahat ng estudyante ay nagtaasan ang mga leeg at hinintay ang kung sino man ang taong nagbukas ng pinto. Mayamaya lang ay pumasok ang dalawang lalake.
Karamihan sa estudyante ay namangha. Makikita naman sa mata ng iba ang galang nila sa bagong dating na mga tao.
Naramdaman ko ang pag-hawak ni Vanessa sa kaliwang braso ko. Noong una ay light lang ang pagkakahawak niya sa'kin, pero mayamaya lang ay humihigpit na ito.
Napatingin ako sa kanya, namumula na ang pisngi niya dahil sa kilig. Bakit ba ganyan nalang ang epekto ni Vanessa sa kuya ko? And yes, si Kuya Charles nga ang isa sa dumating.
Lumapit ang dalawang lalake at pumwesto sila sa gitna, katabi ni ma'am.
“Alam kong kilala niyo na silang dalawa,” ngumiti ulit si ma'am. “But for formality's sake let me just introduce them to you.”
Si Kuya Charles lang ang kilala ko dyan.
Pinakilala ni ma'am si Kuya Charles bilang King of Spades. At pinakilala naman ni ma'am ang isang lalake na may brownish na buhok at nasa mid-twenties na ang edad, bilang si Jett Mandela.
Umatras si ma'am at si kuya Charles, lumabas sila sa bilog habang nanatili naman sa pagkakatayo si Mr. Jett.
“Hello everyone,” his voice is deep, with authority. “We're here bilang facilitator niyo sa activity na 'to. And in this activity we will be giving you tips and some techniques about martial arts.” He crossed his arms, his brows almost meeting.
“Before we start,” tumingin siya sa paligid. Ang tahimik naming lahat, ang strict kasi ng dating nitong lalakeng 'to. Parang mag-kasing edad lang sila ni sir Loid. At kung gano'n nalang ang respeto ng mga kaklase ko sa taong 'to, malamang kakaiba nga siya.
“May I request a volunteer?” nagkatinginan ang iba sa 'min. Ang karamihan ay tila nagdadalawang pa. “Anyone?”
“Vanessa,” I called, whispering. Lumingon si Vanessa with that 'what-look.' “Sino ba kasi 'yang si Mr. Jett? Bakit parang natatakot sila?’’
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...