Ella's POV
"Hoy Max! Tumulong ka nga dito!" Pasigaw na utos ni Kezia kay Max habang nakapamewang ito.
"Sandali nga lang, 'di ko pa nauubos 'to," sagot ni Max kay Kez habang hirap na kinakain ang cornetto niya. Napansin ko rin na namantsahan na ng chocolate ang kanyang white v-neck shirt.
"Bilisan mo nga kasi diyan! Bakit ba kasi bumili ka pa ng ice cream, eh alam mo namang nagmamadali tayo?! Tsaka hindi ka ba nahihiya? Kanina pa si Flynn dito oh!" Singhal na naman ni Kez habang tinuturo si Flynn na nagbubuhat ng malaking carton, kaya wala ng nagawa si Max kung 'di ang sumunod.
"Oo na," sagot nalang ni Max nang nakasimangot at tinapon sa trash bin ang cornetto niya saka nagsimula ng pinapasok sa likod ng van ang mga pinamili namin sa Mall.
Napailing nalang ako sa dalawa.
Nandito kami sa labas ng Mall. Pagkatapos kasi naming mag-lunch ay dumiretso na kaming lahat dito para bumili ng mga kakailanganin namin.
Bumili kami ng mga chocolates, prutas at ibat-ibang klase ng candies para may maipamigay kami sa mga bata do'n sa sinasabi nilang baryong Narra.
Syempre bumili rin kami ng mga canned goods at marami pa kaya umabot sa anim na carton 'yong binili namin.
Pinapasok na nila Flynn at Max ang mga binili namin sa likod ng van. Silang dalawa lang ang naghahakot kasi wala kaming lakas ni Kezia na bumuhat ng mabibigat na carton at wala rin si sir Loid dahil bumibili pa ng mga gamot daw kasama sina Vanessa at Kiara. 'Yong driver naman ng van ay may kinuha lang daw sa terminal dahil may nakalimutan daw siya.
Pagkatapos nina Flynn at Max sa ginagawa nila ay sakto naman na lumabas si sir Loid na may bitbit na dalawang supot kasama sina Vanessa at Kiara na may dala ring supot.
Hindi naman karamihan ang mga tao sa labas ng mall. Sobrang init nga lang kaya pumasok na kaming lahat sa loob ng van at do'n na naghintay kay manong driver.
'Di nagtagal at nagbalik na si manong driver kaya nakaalis na rin kami.
Hindi naman kalakihan ang van, tama lang para sa aming walo kasama si manong driver. May three rows kasi, sa first row ay ang driver's seat at shotgun which is ang inuupuan ni sir Loid. Sa second row naman ay sina Max at Kezia ang magkatabi at sa last row ay kami nina Flynn, Nessa at Kiara.
Sa bandang kanan ako umupo, sa may bintana. Gusto ko kasi pag bumabyahe sa bandang bintana ako para kita ko ang mga madadaanan namin.
Katabi ko naman si Flynn, katabi ni Flynn si Vanessa at katabi ni Vanessa si Kiara.
Bale ang arrangement namin ay ganito:
Kiara || Vanessa || Flynn || Ako
Ilalagay ko na sana ang earphone sa tenga ko nang lumingon si sir at nagsalita habang tinitingnan ang wrist watch niya."It's 3:42 PM, and it'll take us three hours bago dumating sa baryong Narra. Kaya possibly, ay aabutin tayo ng gabi sa daan. Magpahinga nalang muna kayo."
Tumango kami at sinunod ang sinabi ni sir Loid.
Nakahalumbaba ako at nakatitig lang sa blurry na daan.
Sa kakatitig ko sa daan ay naalala ko ang suspect namin sa eroplano kanina na si Ms. Erica. Pagkababa kasi ng eroplano ay sinalubong agad si Ms. Erica ng tatlong pulis. Hindi naman pumalag si Ms. Erica kaya hindi na siya pinusasan.
Nalaman din namin na si Ms. Erica ang naglagay ng duguang damit sa bag ni Ms. Farah. Hindi ko na inalam kung paano niya nilagay iyon. At si Ms. Ellis, mahilig lang talaga siyang maglagay ng kutsilyo sa bag niya dahil hindi raw natin alam ang panahon.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...