Ella's POV
“Duwag!” Sigaw ni Clark at lumapit siya sa akin. “Ate, ang galing mo! Papaturo ako sa'yo sa susunod ha!”
Nginitian ko lang si Clark saka ko hinawakan ang kamay niya. “We need to get going, bago pa sila bumangon.” Tumingin ako sa mga walang malay na cranks dahil sila ang tinutukoy kong 'sila'.
Hinila ako ni Clark nang diretso na tila alam niya ang daan.
“Clark?” Tumingin si Clark sa akin.
“Oh, yes ate. Mukhang alam ko na ang daan. Nakikita mo 'yon?” Sinundan ko kung saan ang tinuturo ni Clark. May nakikita akong bagay, kulay puti ito.
“Teka? Medyas mo ba 'yon?” Nakangiting tumango lang si Clark sa akin. Mabilis kaming tumakbo patungo sa bagay na 'yon. Medyo binilisan namin ang pagtakbo dahil baka may maabutan na naman kami ng mga cranks. Naaawa na lang ako sa mga cranks na napatulog namin.
Aabot na sana kami kaso may biglang humarang sa aming crank. At nag-iisa lamang siya. Tumigil kami ni Clark at nagkatinginan. Umatras si Clark at ako naman ay umabante. Inihanda ko ang sarili ko.
Akala ko aatake na ang crank, pero naikuyom niya lang ang kanyang kamao at humakbang paatras. Nangunot naman ang noo ko sa kanyang ginawa. Umatras pauli siya habang ako naman ay nagtataka. Napansin kong napalunok siya at bahagyang nanginig.
“Aaaaaaaahhhhhhhh! Tuloooooooong!” Sigaw niya habang tumatakbo paalis. Napalingon na lang ako kay Clark. Halata ko sa kanya na pinipigilan niyang tumawa.
“Duwag naman no'n ate, haha. Natakot sa'kin.” Panghahambog ni Clark at umakto pa na parang nagboboxing.
Napailing lang ako saka ko siya kinaladkad. Hindi naman nagtagal at narating namin ang lugar kung saan nilagay ni Clark ang medyas.
“Now here we are, alam kong may dahilan kung bakit nila tayo dinala sa parte ng maze na ito. Kaya dito tayo magsisimula.” Mabilis na tumango si Clark. “Ang dalawang sagot ay tumuturo sa dalawang direction. At ito ang north at east. Number one ang north at number two naman ang east. Kailangan lang nating sundin ang pattern na ito.”
“Pero ate, pa'no kung mali pala tayo? I mean alam ko naman pong tama ang sagot pero baka mali---”
“Kailangan lang nating maging positive Clark. Kung mali man tayo ng hinala,... e di bahala na. There's always a way anyway.”
“Tama ka ate,...”
“Tara na nga Clark, gusto ko na talagang lumabas dito.”
Masayang tumango si Clark so then, we wounded our way off. Sinunod lang namin ang pattern. North, kaya dumiretso kami. Then east na naman. Paulit-ulit lang kami. North... East... North... East... North... East... North...
And this seems like forever. Tingin ko wala ng katapusan ito. Mahigit kalahating oras na kaming naglalakad pero wala pa rin kaming nahanap. Gusto ko ng sumuko pero hindi pwede.
Dahan-dahan lang ang aming paglalakad. Hanggang sa may humarang na namang cranks sa amin ni Clark. Dalawa sila. Huminto kami ni Clark at agad ko siyang tinago sa likod ko.
“Buhay ka pa pala. Pwes, ngayon mamamatay ka.”
Hindi na sila nagdalawang isip at agad na tumakbo patungo sa amin, with eyes ready to kill.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...