Chapter 45: Theories

10.4K 362 29
                                    

Chapter 45: Theories

Ella's Point of View

My head was throbbing when the next morning greeted me. I sat up, eyes still closed, I massaged my temple with the hope of easing the pain.

My sight was still in a blur when my eyes caught the clock staring at me. 8:17 AM na, doon ko naalala na 9:00 AM pala ang first period ko ngayong araw.

Wala akong balak pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. At dahil sa nangyari kaninang madaling araw. Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang may napansin ako sa bedside table.

Umusog ako at kinuha ang note na nakadikit sa frame ng picture ni kuya Charles.

Sissy, mamaya, after your class. Same place.

Himala, sulatkamay niya ang gamit sa paggawa ng note. Kung nasa mood lang ako ngayon, kanina ko pa pinagtawanan ang handwriting ni kuya. Nilagay ko sa table ang note at bumalik sa pagkakahiga.

The flashback of what happened hours ago came in echoes.

Ilang minuto pag-alis ng lalakeng umatake sa'kin, dumating si kuya Charles at nadatnan ang kwarto niyang tila winasak ng bagyo.

‘‘Ella! Ano'ng nangyari dito?!” tumakbo si kuya Charles palapit sa'kin. Nakaluhod parin ako sa sahig.  “Ella.”

Hinawakan ako ni kuya sa kaliwang braso at pinaupo sa gilid ng higaan. I can't look in his eyes. “Ella, magsalita ka. Sabihin mo sa'kin ang nangyari.”

I was at a lost of words. Tumingin si kuya Charles sa paligid ng kwarto. “Someone attacked you, I know,” ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Umupo si kuya sa tabi ko. “Nakilala mo ba kung sino siya?”

Ilang segundo ang dumaan bago ako marahang umiling. I saw him closed his eyes and massaged the bridge of his nose. “How stupid of me asking, of course you didn't.”

“Hindi ko siya nakilala dahil para siyang ninja sa suot niya,” I almost expected him to laugh at my description.

“Pero may sinabi ba siya sa'yo?” at last, I managed to look in his eyes. “Kung anong balak niya?” nakikita ko sa mata niya na alam niya na ang sagot sa sariling tanong.

“Sabi niya,” I forced myself to dig through crappy memories. “Hindi niya inasahang ganito na ako lumaban.”

“Mukhang nakatulong nga ang ginagawa nating training sa'yo,” hinagod niya ang likod ko. “Sige na, magpahinga ka na.”

Tumayo si kuya at inayos ang higaan. Niligpit at inayos niya rin ang mga natumbang mga gamit. Humiga na ako sa higaan, napansin ko pa siyang umupo sa sofa na nakaharap sa'kin.

“Hindi ka ba matutulog?” tanong ko kay kuya Charles. He folded his hands just between his legs. Itinukod niya rin ang dalawang siko sa kanyang tuhod. Saka siya umiling.

“Uupo ka lang d'yan?”

“Uh-huh, sige na matulog ka na. Babantayan na muna kita.”

Sasabihin ko sanang huwag na pero bigla nalang akong inatake ng antok. Saka ako nakatulog.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon