Chapter 52: Picture
Darkness enveloped my soul. The place became as cold as my heart. Loneliness held my hand and led me to nowhere. Now I am deep in the shallows. Drowning in the midst of the fantasy of suffocating dreams and bitter reality. *agonizing discourse*
Eyes are the windows to the soul. The soul you will see inside me is the eye of a monster that devours every damn good thing. Inside me is beast always on the hunt. A predator that swallows innocence and sincerity. If happiness is a human, it will be skinned alive. Sinews and bones, flesh and blood, everything will be scattered on the ground. I am a ghoul ready to eat up felicities. I am a phantom that embraces the darkness in everything. Those are the devils that drives my soul. They are waiting right in the shadows. Would you peep through my window? Would you dare look into my eye? - Ella
Ella's Point of View
Everything. Everything went in a blur.
I'm not sure but I just felt a smile curving in my lips. Napalunok ako sa nanunuyo kong lalamunan, pakiramdam ko ay isang taon na akong hindi nakakainom ng tubig dahil sa sobrang tuyo nito. May nalasahan pa akong dugo.
I can see colloids of dusts floating in the air like smoke. Patakbo kong sinalubong ang dalawang babae, sapat na ang kanilang ekspresiyon para umatras ako sa laban. Ngunit hindi ko iyon ginawa. At hinding-hindi ko 'yon gagawin.
Unang umatake sa akin ang babaeng may dalang kutsilyo sa magkabilang kamay. Mabilis siya, halatang aral ang bawat kilos at atake niya. Naging sobrang maingat ako, halos idilat ko na ang aking mata habang iniiwasang madaplisan ng patalim niya.
Nagawa kong pigilan ang dalawang kamay niya, saka ko tinama ang aking tuhod sa kanyang sikmura. Napaungol siya dahil doon at umatras. Nagsisigaw naman sa pagtakbo palapit sa akin ang isa pang babae habang dala-dala ang kadena.
Pinaikot niya ang kadena sa taas ng kanyang ulo na parang isang cowgirl at tinapon ito sa akin. Nakikita ko ang matulis na bagay sa dulo ng kadena habang lumilipad ito sa akin. Tumalon ako sa taas ng aking makakaya at nagawa itong iwasan.
Sa oras na dumapo sa lupa ang aking paa, sinalubong ako ng kutsilyo ng babae kanina. Nahawakan ko ang kanyang kanang kamay na siyang sasaksak na sana sa akin. Saka ko siya binigyan ng kamao sa mukha at malakas na sipa sa tagiliran.
Nakita ko sa aking peripheral vision ang babaeng may hawak na kadena. Paikot na naman niyang itinapon sa akin ang mahal niyang kadena. Umikot ako para umilag. Halos pigilan ko ang aking hininga nang muntik na akong masugatan nito sa mukha.
Tatlong beses niyang inulit ang pag-atake sa akin gamit ang kanyang kadena, at hindi ko magawang makalapit sa kanya dahil magkasabay nila akong inaatake ng babaeng may dalang patalim.
Tinapon ng babae ang kanyang kutsilyo, umikot ako at nagawang ilagan ito. Ngunit naramdaman ko nalang bigla ang pagtama at paghiwa ng matulis na bagay sa kaliwang braso ko. Napahawak ako sa kaliwa kong braso at napangiwi dahil sa hapdi.
"Ellaaa!" rinig kong sigaw ni Vanessa. Tila umalingaw-ngaw ang boses na ito sa palagid. "Sir Loid, ano ba! Tulungan na natin siya!"
"No, hayaan mo siya," si Gab. Napa-smirk na lamang ako, gusto niya talaga sigurong mamatay ako rito.
Tinignan ko ang dahilan ng sugat ko. Tinaasan niya ako ng kilay at bigla na lamang itong ngumisi na abot tenga. Sinugod na naman ako ng babae ng kutisiyo, sa oras na ito ay mas lalo pa siyang bumilis. Lalong nagging agresibo at determinado na patayin ako.
"Come here bitch!" she shouted and sliced her knife in me, making an arc. I sidestepped and took her arm. Inikot ko ito sa paraang itinuro sa akin ni kuya Charles, dahilan para mabitawan niya ang kutsilyo.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Misteri / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...