Charles' POV
Hey there, Charles Ion Stern here. Hindi ko na ipapakilala nang maayos ang sarili ko. 'Yung mga sinabi ni Ella sa inyo ay 'yon na muna sa ngayon. Sobrang gabi na ngayon at isa pa inaantok na ako kaya nakakatamad ng makipagkwento sa inyo.
Naglalakad ako paakyat ng kwarto, bago ako pumasok ay nilingon ko muna ang kwarto ni Ella. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit tinitigan ko ang mukha ng pinto ni Ella.
Sa gitna ng aking pagtitig ay naalala ko ang nangyari kanina.
" Ella, nagtataka ka siguro kung bakit 'di kita hinabol kanina, kung bakit 'di kita hinabol sa kwarto mo para icomfort ka. You must and you need to understand that kahit 'di ko pa sabihin sa iyo. At dahil hindi lang 'yan ang mararanasan mo pagdating ng araw. Lalo pa at nakapagdesisyon na si papa. Kailangan mong masanay at ihanda ang sarili mo, because you don't know yet what really lies ahead." Sabi ko na lang sa sarili ko.
Nakayuko at umiiling akong pumasok sa kwarto ko.
* * * * *
Ella's POV
Pagkagising ko sa umaga ay medyo nahirapan akong buksan ang dalawa kong mata. Naku naman, napuno ng muta ang dalawa kong mata. Grabe pala talaga ang iniyak kagabi.
Dumiretso na ako ng banyo saka nanghilamos at toothbrush. Then the lingering fog of sleep quickly vanished.
Sa gitna ng aking pag-totoothbrush ay pansin ko ang mataba at medyo maitim na eye-bags sa ilalim ng dalawang mata ko.
Grabe. Sobra nga pala talaga ang iyak ko kagabi.
At bigla ko na lang naalala ang pangyayari kagabi. Napangiti nalang ako, weird nga eh, ngumiti ako pero hindi ko alam ang dahilan ng pagngiti ko.
Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Noong akmang bubuksan ko na ang refrigerator namin ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko.
Kinapa ko muna ang bulsa ko at agad na kinuha ang cellphone ko para basahin ang text message.
6:00 AM
From: Unknown numberYou need to find your way to us... You have two hours. Good luck. :)
Huh? Bakit parang andaming weird ngayon? Nagpapatawa ba siya? Hindi ko nalang pinansin at uminom nalang ako ng tubig.
Nang binalik ko na ang bote ng tubig, doon ko lang napansin ang maliit na note na nakadikit sa pinto ng refrigerator.
P#1:
First, you need to eat Ell. (para sa P#2)Ahh. Baka nilutuan ako ng pagkain at nag-iwan nalang ng note para sa akin. Sweet naman nila. Pero ano naman yang P#1 P#2 na 'yan? Science? Mathematics?
Kaya ko namang magluto ng pagkain para sa sarili ko at kung tatamarin man ako ay may tatlong katulong naman kami. Dideretso na sana ako sa kwarto nang mapansin ko ang magandang pagkain sa mesa. Opo, maganda siya kasi nakakatakam tignan.
Bago pa maubos ng titig ko ang nakahandang pagkain ay umupo na ako at agad inatake ang pagkain.
6:23 AM na nang matapos akong kumain. Grabe, mahigit 20 minutes akong kumain.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...