Chapter 50: Showtime

9.7K 315 22
                                    

Chapter 50: Showtime


Ella's Point of View



“Best! Alam mo na ba ang balita?!”

“Ha? Anong balita? Dali! Chika mo na sa 'kin!”

“Kilala mo naman si Mr. Jett 'di ba?”

“Oo, siya 'yong teacher natin sa Martial Arts, tapos?”

“Hay naku best! Iyon na nga eh, teacher natin siya sa Martial Arts, at alam mo ba? Kahapon may session siya sa Martial Arts, naku hindi ka maniniwala. May estudyanteng nagpahiya sa kanya.”

“Ano? Paanong pinahiya? You mean, natalo siya?”

“Mismo! At hindi lang siya tinalo ha! Pinasubsob pa siya sa sahig. And to quote the others, "pinakain ng sahig."

“Wooow, talaga? Eh, sino bang lalakeng 'yan? In all fairness ang galing niya, ha? Dinaig niya pa si Mr. Jett.”

“Sinabi mo pa, pero hindi siya lalake best. Babae, siya! BABAE! Capital S-H-E!”

“Ang galing niya nga, isipin mo 'yon? Babae pa siya? Eh sino nga siya?”

“Ellizabeth ang pangalan niya.”

“What? Si Ellizabeth?!”

“Kilala mo siya?”

“Hindi, sino ba siya?”

“Kung maka-WHAT ka naman. Hay naku, siya si Ellizabeth. Ang dami ng balita sa babaeng 'yan. Remember, 'yong G-tech device ni Ms. Claire? Iyong g-tech device na ginawang bomba?”

“Oo, naalala ko.”

“Si Ellizabeth, siya may gawa no'n.”

“Talaga?”

“Oo siya nga, hindi lang 'yan, siya 'yong nabalitaang nakikipag-flirt kay King Charles, 'yong laging nakakasama ni King Charles?”

“Ano ba 'yang Ellizabeth na 'yan, grabe siya ha? Ang harot!”

“Over naman nila,” Kiara commented. Binaba ni Kiara ang binabasang libro at sumilip sa kabilang table. “Kung makapag-tsismis parang alam nila ang buong storya. Kung alam lang sana nilang Kuya mo si King Charles.”

“Hayaan mo nalang sila,” mahinang saad ko nalang. Nasa Canteen kasi kami ngayon, at nasa kabilang table lang ang dalawang babaeng nakikipagtsismisan.

“Well you see, walang pinipili ang tsismis. Matalino ka man, bobo, maganda, panget, mahirap o mayaman. Gossips run like a wildfire, it's a fact.” Nilalaro ni Vanessa ang kanyang buhok saka siya sumubo ng pagkain.

“At fact din na hindi fact ang pinag-uusapan nila na akala naman nila ay fact,” nagkatinginan kami ni Vanessa dahil sa sinabi ni Kiara. Tsaka, ano raw?

“Ayoko na, diet ako.” Saad ni Vanessa at pinunasan ng tissue ang gilid ng kanyang bibig.

“Diet ka na sa lagay na 'yan?” tanong ni Kiara at tinignan ang tatlong plato sa harap ni Vanessa. “Eh nakatatlong order ka na eh.”

“Che! Tara na nga, malate pa tayo. Tsaka excited na ako sa next mission natin.”

Nandito na kami sa loob ng computer lab, ang usual meeting place namin sa tuwing nagkakaroon kami ng mission.

“Kumpleto na ba ang lahat?” tanong ni sir Loid.

I guess? Sagot ko sa loob ng utak ko.

“Kyle's still not here,” tipid na sagot ni Kezia.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon