Chapter 4: Stage 2.2

19.1K 725 68
                                    


Dedicated to neecolyam08

natuwa ako, silent reader ka. Haha senseless ang reason ko.

Ella's POV

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa inis at kaba. Anong ibig sabihin nilang maze? So heto na naman tayo? Akala ko ba tapos na ang challenge?

Kung kinulong nga nila kami sa maze na ito, kailangan naming makalabas.

Labag man sa kalooban ay binasa ko pa rin ang kung ano man ang mga tanong na sigurado akong magbibigay ng sakit sa ulo ko.

"1. It is a specific time which is also called as midday. The term midday is also used colloquially to refer to an arbitrary period of time in the middle of the day. What is this specific time?"

Gadd! Nagsisimula na talagang sumabog ang brain cells ko! I blink, just to make sure that I still have my consciousness, then proceeded to the next one.

2.

* Wi-Fi does not actually stand for anything. It is a play on the term Hi-Fi. Many people believe Wi-Fi is short for 'Wireless Fidelity'

*Lead is the heaviest stable element in the periodic table. All heavier elements decay over time.

* Even on Earth, gravity is not even. The Earth is not a perfect sphere, and its mass is distributed unevenly. This means that the strength of gravity can change slightly from place to place.

Are these three statements right? Yes or no?

Dahil sa frustration na nakuha ko sa pagbabasa lang ng mga tanong na ito ay nayayamot kong tinapon ang stupid note sa kaliwang bahagi ko. Though hindi ito pabagsak na tumilapon sa maruming lapag.

Napansin kong napa-pout si Clark saka kunot noong tinitigan ako. Isa ka pa Clark! Alisin mo 'yang pout na 'yan kung ayaw mong kurutin kita! Ang cute lang, sana may kapatid akong ganito ka cute. Ang kaso puro higante ang mga kuya ko.

Lumipat ang tingin ni Clark sa tinapon kong note at tila nagtatakang kinuha ito.

"Ano pala 'to ate? Ba't mo tinapon?" Tanong niya habang binubuksan ang ngayong nakatuping papel. Hindi ko naman siya sinagot dahil halatang seryoso niyang binabasa ang laman ng note.

Kitang-kita ko ang pabalik-balik na galaw ng mga mata niya habang nagbabasa. Those eyes.

"Ano naman po ang magagawa ng mga tanong na 'to sa buhay natin ate?" Napangiti nalang ako sa tanong ni Clark. Tama naman ang bata, ano nga ba?

Tumingin ako sa paligid at napansin kong ginaya rin ako ni Clark. Kung nag-iisa lang ako rito, siguradong aatakihin talaga ako ng takot and for sure kanina pa ako nag-freak out. Mabuti nalang kasama ko 'tong si Clark.

Masyado kasing tahimik ang paligid, idagdag pa ang nakakakilabot na lugar. Sigurado ba silang maze ito? Eh parang hallway lang 'to ah.

Ibang klaseng hallway nga lang 'to. Tahimik at ang creepy ng anyo dahil ang lapag, ceiling at mga pader ay tinubuan at binabalot na ng mga berdeng halaman na hindi ko alam kung saan galing.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon