Ella's POV
I'M DEAD...
Narinig niyo? Super dead na talaga 'ko. Talo pa sa baboy na double dead. Nagpa-panic na naman akong tumayo.
"Kiara. Kailangan kong umalis dito. Hindi pwede 'to! Bobo ako!"
"Ha? Hindi na pwedeng umalis sa school na 'to noh. Unless graduate ka na. Hindi mo ba nabasa 'yung manual na binigay sa'yo ng school? Tiyaka anong ibig mong sabihin? Kung bobo ka edi sana hindi mo nasagutan lahat ng questions sa gate at the first place. Kaya hindi ako naniniwalang bobo ka noh."
"Hindi mo naiintindihan eh. Tsaka kung ipapaliwanag ko man sa'yo, hindi ka pa rin maniniwala," sagot ko.
"Try me," sabi ni Kiara na may halong bahid ng panghahamon.
Kaya ayun nga, sinabi ko sa kanya lahat. Magmula tungkol sa tests hanggang sa inihatid ako ng taxidriver sa maling school na 'to. Hindi ko na sinabi yung part na hinabol ako ng taong naka-hood tsaka 'yung nagkasugat ako.
"Okay lang yan Ella. Matalino ka naman eh."
"Tingin mo?" Tanong ko, hindi ako makapaniwala sa reaksyon niya. Parang wala lang.
"Oo naman. Kung bobo ka talaga, bakit mo kinayang sagutan 'yung tests sa challenges mo kuno?"
" 2 hours kong sinagutan 'yung mga 'yon," pagdedepensa ko.
"May point ka rin naman. 20 seconds lang binigay sa'yo samantalang sa original. 2 hours mong nasagutan 'yun."
"Kita mo na Kiara. Lagot na talaga ako nito," I said while pacing to and fro with a worry creeping inside me.
"Wala na tayong magagawa Ella. Iisa nalang ang pwede nating gawin."
"Ano naman 'yon? Wala na nga-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may biglang pumasok .
Pumasok ng kwarto 'yung maldita na ka roommate namin ni Kiara. May dala siyang isang box ng pizza at tatlong bote ng softdrinks.
Tinitigan lang namin siya at 'yung dala niya habang nilalagay niya iyon sa maliit na mesa, tsaka siya umupo.
"What are you waiting for? Halina kayo't sabayan niyo ko sa pagkain," sabi ni maldita. 'Di ko kasi alam ang pangalan niya kaya maldita nalang muna.
Sinenyasan ko nalang si Kiara na sabayan 'yung maldita.
"Ano bang pinag-uusapan niyo?" Tanong
ni maldita habang kumakain ng pizza, hindi naman kami nakasagot agad."Ano hindi kayo kukuha? 'Di ko mauubos lahat ng 'to noh," pahabol na tanong ni maldita. Nagtitigan lang kasi kami ni Kiara. 'Di namin alam kung sasabihin nga ba namin sa kanya ang pinag-uusapan namin kanina. Kumuha na kami nang sabay ni Kiara saka kumain.
"Umm. Baka nagtataka kayo kung bakit ang sama ng pakikitungo ko sa inyo kanina," sabi niya habang puno ang bibig ng pizza.
"Hoy ikaw," napalingon naman ako sa kanya noong nalaman kong ako kinakausap niya.
"Sa pagkakatanda ko kasi ikaw 'yung kanina sa park. Sorry talaga ha. 'Di ko talaga sinasadya. Si Ella kasi eh two-timer, nakakainis! Nag two-time siya kay Marco. GRRRRRR nakakagigil!" Sinabi pa niya ito habang umaaktong may sinasabunot. Ella? Ako ba tinutukoy niya?
"Vanessa Steele nga pala. Nessa nalang for short. What's yours?"
"Kiara Lewis. Kiara nalang for short," mabilis na tugon ni Kiara. Napansin niya sigurong kapareho ko ng pangalan ang sinasabi ni maldita este ni Vanessa.
"And you are?" Tanong ni Vanessa sa 'kin.
"Elizabeth Stern. Ella for short," nandilat naman ang mga mata ni Vanessa sa nalaman.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystère / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...