Chapter 51: Trinity
Ella's Point of View
With hesitation debilitating my strength, I swallowed and got myself out of the car. Coldness immediately wrapped itself in my skin, embracing me. As if telling me how it missed me.
Nauna nang maglakad ang mga kasamahan ko, ako naman ay naiwang nakatingin sa kanilang likod. Nakakabingi ang madilim na paligid. Naririnig ko na ang mga yapak ng kanilang mga paa habang inaapakan nito ang mga maliliit at matutulis na bato.Salamat sa headlights ng mga sasakyan dahil ito lang ang nagsisilbing ilaw. Huminga ako nang malalim saka naglakad para sumama sa kinala.
Ang grupo namin at ang grupo ng mga taong bagong dating ay nagsalubong sa gitna. Pumwesto ako sa gitna ni Flynn at ni Kiara, si Kiara sa kanan ko at si Flynn naman sa bandang kaliwa.
I can even feel Flynn's arm brushing mine. Sending both electricity and... warm.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko sila nang malapitan. At isa lang ang masasabi ko, pumapatay sila nang tao sa itsura at anyo palang nila. At ngayon, pinapatay na ako ng babaeng kaharap ko dahil sa tinging binibigay niya sa 'kin.
Napalunok ako at sinubukang magmukhang matapang at malakas. Tinignan ko rin siya, mata sa mata.
Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang pa.
My brows raised as high as Eiffel Tower.
I scanned her from head to toe as if she's gross and disgusting.
A smile curved at the right side of her lips.
"I like you," sabi ng babaeng kaharap ko. Isang kurap ko lang at may hawak na siyang kutsilyo sa magkabilang kamay. Tila may sariling ilaw ang kutsilyo dahil sa tulis nito.
"Mr. Shin, sila ba?" usal ng lalakeng may katandaan na, siguro'y nasa mid-forties na ito. Pinapagitnaan siya ng kanyang kasamahan, at kapansin-pansin ang dami ng mga alahas na nakasabit sa kanya. Nakasuot siya ng puting suit, nakabukas ito kaya makikita rin ang white shirt sa ilalim nito. May pares din itong white slacks sa ibaba.
Isa-isa niya kaming tinapunan ng tingin, tila nagtataka at nagdadalawang isip. "Sila ba ang ipapalaban mo dito sa mga alaga ko?" he asked with a smile in his face, almost mocking.
Tumingin sa amin ang kasama naming matabang business man na si Mr. Shin. "Oo, sila nga," habang marahang tumatango.
Tila nagpipigil ng tawa ang lalake. "Mr. Shin, seryoso ka na ba? Sila?" tumawa nang malakas ang lalake. "Pwede mo pang baguhin ang desisyon mo! I mean, look at them!" tinuro niya ako, "mukha silang mga estudyante ng grade school. Baka malugi ka lang!" tumawa na naman siya nang malakas.
"Walang nakakatawa Mister," biglaang napatigil sa kakatawa ang lalake dahil sa sinabi ni Vanessa. Tinignan niya si Vanessa at nginitian ito.
Vanessa, what are you doing? Iniinis mo lang siya.
"What's your name, Sweety?" he grinned.
"Vanessa," cold na sagot ni Vanessa. "At ako ang pupunit dyan sa bibig mo kung hindi titigil sa kakatawa."
Nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Sweety, you better be careful. You don't know me--"
"And you don't know me too," hindi ko alam pero parang nakita ko si Vanessa na ngumiti nang matamis.
"Mr. Shin, mukhang sabik na akong makasama ng babaeng ito sa impyerno,'' sabi ng lalake habang pinagmamasdan si Vanessa. "Simulan na natin. You win, you get the money. I win, I get the money,'' binasa niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila. "And I get the body. Trinity, you first."
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...