Date: April 1, 2016
Happy first month para sa story kong BMH. salamat din sa mga readers :)
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Ella's POV
"Nawawala ako." sabi ko sa sarili ko.
Utak ko nga naman kasi oh. Umaandar na naman ang tanga kong utak.
Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak kong maliit at hinabol ko pa ang lalakeng 'yun? Alam ko naman in the first place na hindi ko parin masusundan 'yun.
Kanina pa ako lakad nang lakad pero wala paring nangyayari, mas lalo lang akong naliligaw. Mukhang wala na nga 'to sa baryong Narra eh.
Pauli-ulit lang ang ginawa ko. Lakad, pahinga, lakad, at pahinga. 'Yun lang ang magagawa ko dahil 'yun lang din naman ang meron ako.
Nagugutom na ako. Mabuti nalang at nabigyan pa ako ng kape ni aling Doleng kanina, kung hindi kanina pa ako nahimatay sa gitna ng masukal na gubat na 'to.
Chineck ko ang wrist watch ko at nalaman kong 1:43 PM na.
Ilang oras na pala akong naglalakad. Wala akong breakfast at wala rin akong lunch. Sana makabalik na ako.
Hinahanap kaya nila ako? Sana naman hinahanap na nila ako.
At sa tingin ko hinahanap na nila ako. Kaibigan ko sila at kaibigan nila ako. Kaya siguro naman ay hinahanap na nila ako ngayon.
Sabi ng mama ko noong bata pa ako, pag naligaw daw ako. 'Wag daw akong umalis sa kinatatayuan ko para madali lang akong mahanap.
Naalala ko rin nung bata pa ako. Naligaw ako sa mall kaya ang ginawa ko sinunod ko ang payo ng mama ko. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. May nakita akong stand ng chocolate bars kaya 'dun nalang ako naghintay.
Medyo naglalaway kong tinitigan ang chocolates at nang 'di ko mapigilan ay kumain ako sa ilan sa mga chocolates.
Nahuli ako ng staff ng Mall na kumakain ng chocolates nila kaya dinala niya ako sa opisina nila at pinatawag ang mama ko.
Kaya nahanap ako ng mama ko at nagpasalamat pa siya na nahuli ako. Kung hindi, 'di na daw niya ako mahahanap.
Pero hindi ito Mall. Naliligaw ako sa isang masukal na gubat, hindi sa kung saang Mall. Tiyaka wala rin ang mama ko para hanapin ako.
Mas lumala pa ang aking gutom dahil sa naalala kong chocolates.
At kanina pa nagrereklamo 'tong tiyan ko.
May narinig akong kaluskos sa kung saan kaya napalingon ako.
Nagsisimula na akong kabahan sa mga naririnig kong kaluskos.
Napapalingon ako sa bawat yapak ng paa at kaluskos na aking naririnig.
Hanggang sa huminto ang kaluskos. Umatras ako ng dahan-dahan. Nagmamatyag. Nagmamasid. Pinapakiramdaman ko ang aking paligid.
Napalunok ako ng marahan ng gumalaw ang halamang nasa aking harapan. Tinitigan kong mabuti ang gumalaw na halaman. Tila may hinahanap. Hindi ko rin maintindihan ang lakas ng tibok ng puso ko.
May nasagip ang aking mga mata. Nasagip ko ang dalawang matang nakatitig sa akin. Mga matang galit na galit. Titig na gustong-gusto akong kainin ano mang oras.
Napa atras ako nang bigla itong tumalon sa harapan ko.
Isang napakalaking aso. Naglalaway ito. Nakalabas ang ngipin na animoy sabik na sabik akong kainin.
Lumapit ito ng dahan-dahan sa akin. Sa bawat yapak nito ay siya namang pag-atras ko.
Gusto ko ng maiyak dahil sa takot.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...