Charles' POV
Hindi na namin napigilan si kuya Arch dahil tuluyan na itong lumabas sa nasira kong kwarto.
"Ano na'ng gagawin natin? Tutunganga? Hahayaan nalang ba nating sirain ni kuya Arch ang challenge?" Tanong ko pa sa dalawang kapatid ko, napansin ko namang gumuhit ang ngiti sa gilid ng labi ng Dorth.
"It will be the best thing to do. Kung tutulungan ni kuya Arch si Ella na makalabas sa maze, that means na madidisqualify si Ella at ipapatapon siya sa labas ng school. Edi mas magiging madali para sa ating lahat," pagdadahilan ni Dorth.
"Okay. Agree, at ang magagawa nalang natin ay imonitor ang kalagayan ni Ella." Sabi naman ni kuya Gally habang tumatango.
"Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit umabot sa Alpha-Gold-Green type si ate Ella? Ibig sabihin hindi na gumagana 'yon?" Pansin ko sa mukha ni Dorth ang curiosity.
"Ganito kasi 'yan, kaya nga bawal si Ella dito sa school dahil baka may kung anong ma-trigger sa kanya at bumalik siya sa dating siya," sabi ni kuya Gally matter-of-factly.
"Alam na nating lahat 'yan kuya, pero bakit ganon kabilis? Ibig sabihin ba niyan pag napasa ni Ella ang Top Class Challenges maaring bumalik siya sa dating siya?" May point sina Dorth, matalino silang dalawa. I mean, matalino ang mga kapatid ko pero hindi pa nila nalalaman ang ibang bagay na alam ko.
"Ya know, you guys are just frustrating yourselves. Why don't we take a break ang just monitor our sister's situation?" saad ko saka kumuha ng chocolates sa refrigerator kong ngayon ay nakahiga pa rin sa sahig.
"Pero, kung papasukin ni kuya Arch ang maze, paano siya makakapasok? Ni hindi niya nga alam kung saan 'yon," takang tanong naman ni Dorth.
"Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni kuya Arch. Hayaan nalang natin siya. I'll just hack the information about this kid, para may magawa ako." Sabi ni kuya Gally at nagsimula nang kulitin ang g-tech device niya. Seryoso na ring nakatuon ang pansin ni Dorth sa laptop ko. Ako naman ay nagpapaka busy lang sa chocolates.
Ella, please magpakatatag ka. Mukhang ako nalang ang kakampi mo rito. Lagpasan mo ang pagsubok, kayanin mo. Sabi ko nalang sa isip ko habang nakatingala sa bintana.
Someone's POV
Mabilis akong lumayo sa pinto at pasimpleng naglakad dahil narinig ko ang mga yapak ng paa na papalapit sa pinto ni King Charles. Mabilis akong tumungo sa baba at lumabas sa Building ng Spades.
"Humanda kayo mga Stern, unti-unti ko ng nabubuo ang misteryo sa likod ng lihim ng pagkatao ninyo lalong-lalo na ang lihim na pagkatao ni Ellizabeth," nasabi ko sa sarili ko.
Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan ng apat na magkapatid na Stern. Humanda kayo, malalaman ko rin ang lihim niyo.
Siguradong matutuwa si boss sa sasabihin ko.
Napasmirk nalang ako at dumiretso ng lakad na parang walang nangyari.
Ella's POV
"Clark! Takbo!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa paligid ng maze, matagal pa bago tumigil ang pag-eecho nito.
"Grrraaaaaagggghhhhh..."
"Ateeeeeeeeeee!" Sigaw ni Clark saka ko siya hinatak para tumakbo. Nandidilat ang mga mata ko habang tumatakbo at halos mabingi rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
Nakasunod pa rin ang lalaki sa likod namin at mabilis ang takbo niya kaya paunti-unti na siyang napapalapit sa amin.
Dahil sa kaba, buong lakas kong kinarga si Clark at tumakbo, mas mapapabilis ang takbo namin sa paraang ito.
Napansin ko sa likod na paika-ika ng takbo ang lalaki habang hinahabol kami.
"Ate, malayo na ang monster."
Kahit alam kong malayo na ang lalaki, mabilis pa rin ang pagtakbo ko. Sinasabayan ng bilis ng kabog ng dibdib ko ang bilis ng takbo ko.
"Ate, may monster na naman!" Sigaw ni Clark habang tinuturo sa 'di kalayuan ang isang panget na tao nanaman.
Mabilis akong kumanan habang karga ko pa rin si Clark, napapagod na ako sa pagkarga ko sa kanya. Binaba ko siya saka ko binaba nang bahagya ang katawan ko.
"Sakay ka sa likod ko, dali."
"Ah. Opo ate."
Natataranta akong tumakbo nang nakasakay na si Clark sa likod ko. Sumasakit na ang paa ko sa kakatakbo pero 'di ako tumigil dahil sa takot ko. Tagaktak na rin ang pawis ko sa noo pati na rin sa katawan.
Nandilat na naman ang mga mata ko nang may nakasalubong na naman kaming panget. Tatakbo na sana ako sa kanan pero may panget na namang naghihintay kaya diretso akong tumakbo pakaliwa.
"Ate, kaya ko pong tumakbo. Baka manghina lang po kayo."
"H-hindi Clark, kaya ko. Basta kumapit ka lang makakalabas din tayo rito."
"N-atatakot po ako a-ate," ramdam ko kay Clark ang takot niya. Lalo pa't umaalingawngaw sa paligid ang mga ungol ng mga sunog-sunog na tao. Pati ako'y binalot ng takot. Pero hindi ko dapat hayaang kainin ako ng takot. Kailangang magpakatatag ako sa harap ng bata para magkalakas loob siya.
"A-ate, baka kainin nila tayo," tingin ko mapapaluha na ako nang marinig ko ang paghikbi ni Clark.
"Ano ka ba Clark, wag kang umiyak. Nandito lang si ate Ella okey, hindi kita pababayaan. Makakalabas tayo rito ng buhay."
"Ayan na naman po sila ate... " Sigaw ni Clark nang makita ang makakasalubong namin kaya lumiko na naman ako sa ibang direksiyon. Umalingangaw ang sigaw at iyak ng bata kasabay ang nakakakilabot na ungol ng mga sunog-sunog na tao.
Ano ba kasi sila? Kakainin ba nila kami?
Nagpatuloy lang ako sa mabilis na pagtakbo kahit sobra ng sumasakit ang tuhod at paa ko. Pagod na ako, pero kailangan kong magpatuloy.
Lumiko na naman ako at nalaman kong dead end na, wala na kaming matatakbuhan pa. Hinihingal akong napatigil sandali. Gusto kong umiyak at sumigaw dahil sa pinaghalong kaba, takot at pagod sa sarili ko.
Umikot na ako para bumalik pero may naghihintay na sa harap namin ni Clark. Wala na kaming matatakbuhan. Dead End na.
Narinig ko ang bahagyang pagsinghap ni Clark at ang pigil niyang hikbi. Nanginginig na rin siya dahil sa takot.
Ibinaba ko si Clark at sinigurado kong nasa pinakadulo siya. Hindi ko hahayang masaktan nila ang bata.
Nanindig ang balahibo ko sa braso nang marinig ko ang garalgal na boses ng lalake sa harap ko. Sunog na sunog ang buong katawan niya, at napalunok na lang ako dahil nagbabasa pa ang mga ito.
"Sa tingin mo matatakasan mo kami? Marami kami rito, dalawa lang kayo. Hindi niyo magugustuhan ang gagawin namin sa inyo. Hehe." Ngumisi ang lalaki at napangiwi ako dahil sa nakita. Kapansin-pansin ang mga itim na ngipin ng lalaki.
"Grrrrrrrrraaaaggghhhhhhhh!!!" Sumigaw ang halimaw at patakbong lumapit sa akin habang nakahanda ang dalawang patalim para patayin ako.
Napaluha ako dahil sa kaba, takot, pag-aalala at pagod.
Tumakbo ako palapit sa kanya habang umiiyak. Mabilis ang tibok ng puso ko. Pagod na ang buong katawan ko.
Bahala na...
*****
Salamat nakapag-update na ako guys. Sorry kung late ang update. Hehe.
Please vote and comment.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...