Ella's POV
My classmates started answering, all of them except me. Ano naman kasi ang isasagot ko? Binasa ko nalang ang instructions.
You are all White type in terms of cognitive, and this test is for GREEN type. This test is to TEST your ability to follow instructions. If you know the answer then answer it perfectly. But if you don't then DON'T! Reminder: FOLLOW INSTRUCTIONS.
Follow instructions daw. Kailangan iperfect kung alam mo ang sagot. Eh ano naman ang ibubuga ko rito? 1 hour lang ang test tapos 250 questions 'to lahat. Paano ko naman mapeperfect 'to? Siguro sila, pero ako?
After 20 minutes ay may isang lalake ang dumating. Pero 'di agad siya pumasok. Nakatayo lang siya sa may pintuan, tsaka gwapo siya.
"You're 20 minutes late iho. Sige na. Come on in and take the test. You still have 40 minutes. You're fortunate dahil mataas pa ang oras mo."
Mataas daw? Eh ang liit nga ng 1 hour 40 minutes pa kaya? Umupo 'yong lalakeng naka-eye glass sa tabi ko. (Oo naka-eye glass siya) 'Yon nalang kasi ang bakanteng upuan.
Nag-concentrate nalang ako. Baka kasi gumana 'yong sinasabi nila Nessa na lalabas ang talino ko gamit ang nararamdaman ko. Pero wala talaga. Sa sobrang konsentrasyon ko baka makautot lang ako. Pasintabi po,
sinulat ko nalang ang pangalan ko, wala kasi akong masulat eh.After 35 minutes ay tumayo yung katabi kong lalaki. 'Yong gwapo nga? (kung makagwapo naman ako. Haha) pinasa niya agad ang papel niya.
Tapos na siya? 35 minutes lang ang nacover niyang time? Pagkatapos ay bumalik na siya sa upuan.
Siguro napapansin niyo, masyado akong updated sa oras. Wala kasi akong masagot eh. 5 minutes nalang at ni isang tuldok ay wala akong nasulat. Bahala na nga 'to. Baka sakaling paalisin na ako ng school kapag nalaman nilang bobo nga ako.
RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGG!
Pinasa na ng mga kaklase ko ang test papers nila. Pinasa ko nalang din iyong sa 'kin kahit wala itong sagot. Bahala na nga ang hangin.
Dumiretso na ako sa next class ko. Sa psychomotor type ang subject ko ngayon kaya makakasama ko sina Nessa at Kiara. Pareho kasi kaming Omega.
Naglalakad ako sa hallway kasunod no'ng lalake kanina sa first period ko. 'Yong sinasabi ko sa inyong gwapo? Oo siya nga. Nakapamulsa siya habang naglalakad nang nakayuko.
Bigla siyang tumigil sa paglalakad at biglang humarap sa 'kin.
"Ahh. Miss pwede bang sabay na tayong pumasok?"
"Huh? Ah Okay lang naman," lumakad ako palapit sa kanya.
"Flynn Collins nga pala," sabi niya at inabot ang kamay.
"Ellizabeth, Ellizabeth Stern," tsaka kami nag-shake hands.
"I see, Omega ang ring mo. I'm also an Omega type kaya may posibilidad na magkaklase tayo," sabi pa niya habang nagsisimula g lumakad.
Wala akong masabi kaya nginitian ko nalang siya.
"Siguro ang talino mo, nakikita ko kasi 'yon sa'yo," ngiti-ngiting sabi niya. Ako? Matalino?
"Hindi naman sa gano'n. Mukhang ikaw nga 'yong talagang matalino hh. Bilis mo kayang natapos kanina."
"Ha? Ginaya lang naman kita kanina eh," sabi pa niya habang kinakamot ang batok. Ang cute niya, pero 'di ako nagpahalata na nacucutan ako sa kanya ha. Pero anong ibig niyang sabihin na ginaya niya lang ako?
Hindi ko na siya natanong kasi nakarating na pala kami sa room.
Pagkapasok ko ay agad na kumaway-kaway sa 'kin sina Nessa at Kiara. Ang lapad nga ng ngiti nila no'ng makita nila ako.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mistero / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...