Chapter 15: Message

26.4K 897 122
                                    

Ella's POV

"The answer for your question is... We don't need any pathologist to do the course of autopsy procedures because we already have sir Loid," sagot ni Kezia kay Flynn. Nangunot naman ang noo ni Flynn, parang hindi siya kumbinsido sa pahayag ni Kezia. Kahit nga ako eh, paano naman kasi malalaman ni sir Loid ang time of death ng katawan ng babae kung walang autopsy procedures?

"Kahit walang autopsy procedures ay pwede parin nating malaman ang time of death ng isang certain deceased person through the use of some fundamental estimations," sabi ni sir Loid habang lumalapit sa amin.

"There are three categorized time of death, namely the Psychological time of death, Estimated time of death and Legal time of death," sir added those words while pacing back and forth. Kaya nakakahilong sundan ang galaw niya.

Huminto si sir sa pabalik-balik na paglalakad at hinarap kami, tsaka siya nag cross ng arms. "There are apparently two methods to be used to know the time of death of a certain deceased body. First is to measure the body temperature and second is the rigor mortis. But we can't really use the rigor mortis because rigor mortis is a natural process which occurs in all of us when we die and it is the natural contracting and relaxation of body's muscles by changes in a body's chemical balances," tumugil si sir sa pagsasalita at nilapitan ang katawan ng biktima.

"And as what I've said, we can't use the method of rigor mortis because it normally begins roughly two ours after death and can last for anything for twenty to thirty ours," tumango kami ni Flynn sa nalaman. Naiintindihan ko naman ang sinabi ni sir kahit papaano.

"Kaya ginamit ko ang method of measuring the temperature of the body, pero 'di ko na ipapaliwanag kung paano ko ginawa iyon. I've just used the equation "37.5oC - 1.5 oC" to have the time of death."

"Sir, may nakakaalam na ba tungkol dito maliban sa atin?" Tanong ko kay sir habang tinititigan ang nakasulat na number na "68, 53, 20".

"Sa ngayon, tayo palang ang nakakaalam. Ayaw kasi naming magkagulo ang mga tao."

"Alam din nating lahat na magfifreak out ang passengers dito kapag nalaman nilang may pinatay," dagdag pa ni Kezia. Oo nga naman, mas mabuti na wala munang makaalam. Ano ba naman 'to, hindi namin mission ang isolve ang case na 'to at wala rin sa part ng mission namin ito.

"May lead na ba kayo sa suspects?" Tanong ni Flynn habang inaayos ang eyeglass niya.

"We're still working on it. Max is now hacking the system of the CCTV," sagot ni Kezia at lumapit kay Max at sumilip sa device nito. Lumapit na rin kami ni Flynn.

"Max bilisan mo nga, malapit ng mag-landing ang airplane na'to," utos ni Kezia kay Max. 1 hour and 30 minutes lang ang flight namin and time is fast approaching.

"I'm getting it.... and we're done," sabi ni Max sabay click sa enter. Pinanuod namin ang mga replays. At nalaman naming may limang taong pumasok sa CR, at isa si Ms. Cynthia roon. 'Di nga lang namin nalaman kung saang cubicle sila pumasok dahil ang camera ay naka focus lang sa labas ng CR.

Isa si Vanessa sa limang pumasok sa CR. Pinanuod namin ang video ng pagpasok niya, at maya-maya pa ay bigla na siyang nagsisigaw. Siya nga talaga ang unang nakadiskubre sa patay, kaya siya nanginginig kanina.

Inihack ni Max ang information ng apat na taong pumasok sa CR. Hindi na niya sinali ang information ni Vanessa dahil alam naman namin na wala siyang kinalaman sa krimen.

"Farah Mae Delgado... Erica Sanders... Ellis Ianna Carreon... and Cynthia Rose Hill who is our victim," sabi ni Max habang tinititigan ang Device niya.

Sa video na nakuha namin, magkakasunod na pumasok ng CR ang apat na babae at kabilang na dito si Ms. Cynthia. Unang pumasok si Cynthia kasabay si Ms. Erica. Pangalawa naman pumasok si Ms. Farah at panghuli si Ms. Ellis.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon