Chapter 4: You're safe, for now

37.5K 1.2K 147
                                    

Ella's POV

Madilim, malamig, at ang tahimik ng paligid. Kanina pa ako gising pero 'di ako gumalaw dahil sa nararamdaman kong takot. Nandito lang ako, nakahandusay sa malamig na sahig.

Noong idinilat ko ang mga mata ko ay wala akong makita maliban lang sa dilim. Mas mabuti pa nga kung pumikit na lang ako dahil may nakikita pa akong kulay.

Tapos ang tahimik pa, ang pagpatak lang ng tubig ang naririnig ko. Dahil sa sobrang tahimik ay halos mabingi ako sa kabog ng dibdib ko. Nakakatakot ang ganitong klaseng tahimik. 'Yung parang mabibingi ka dahil wala ka talagang naririnig, na 'yung pagpatak ng tubig at kabog ng dibdib lang ang naririnig mo.

Natatakot man ay dahan-dahan akong tumayo. Walang magagawa ang takot sa sitwasyong ito.

Maingat akong lumakad sa kung saan man. Wala nga kasi akong makita kaya lumakad nalang ako nang tuwid habang kinakapa ko 'yung dalawa kong kamay sa hangin. Ito nga talaga siguro ang mga pinagdadaanan ng mga bulag. Hindi naman talaga ako takot sa dilim pero hindi ganitong klase ng dilim. Ibang klaseng dilim 'to.

Hindi pa malayo ang nalalakad ko ay may naapakan na ako, more like may nasipa ako. Matigas ito. Pero alam kong hindi kahoy, bakal o plastik man. May konting lambot kasi ito at the same time medyo matigas. (hoyy hindi iyong iniisip niyo ha, iba na 'yon)

Dahil sa lintik na curiosity na 'yan ay inabot ko 'yung paa ko para mahawakan ko ang kung ano man 'yung naapakan ko.

Malamig ang unang nahawakan ko. Kumapa ako sa ibang parte nito hanggang sa may nahawakan akong buhok. Ano to? Bakal na may buhok? Napalayo nalang ako ng upo ng marealize ko kung ano ang hinawakan ko.

Hindi. Hindi ako nagkakamali, ulo ng tao ang naapakan ko. Ibang klaseng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Iba sa lahat. Bakit may ulo rito? Baka naman kagaya ko rin, kagaya ng nangyari sa akin. Ano nga bang nangyari sa akin? Tumatakbo ako, biglang may humila sa akin, tinakpan ng panyo yung ilong ko and then. Black Out?

Pero imposible, kung kagaya rin sa 'kin ang taong 'to. Edi sana gumising ito noong naapakan ko ang ulo niya.

Kahit ubos na ang laway sa bibig ko ay nagawa ko paring lumunok dahil sa kaba at takot.

Kailangan ko paring subukan. Kung pareho nga kami ay kailangan ko siyang gisingin. Para may makasama ako sa lugar na ito. Pero paano ko siya makikilala kung halos wala akong makita? Kung meron lang talagang kahit anong bagay na pwedeng maging source ng ilaw. Kahit konti. Teka nga lang? Mabilis kong kinapa ang bulsa ko at nabuhayan ako. Nandirito parin sa bulsa ko ang cellphone ko. Ngayon ko lang na appreciate ang halaga ng ilaw.

Nanginginig kong nilapitan ang kung ano ang naapakan ko, kung ulo nga talaga, habang nakatutok ang cellphone kong di pa nakabukas ang ilaw. Binuksan ko ang ilaw ng cellphone ko. Kasabay iyon ng pagdilat ng mga mata ko at pagsigaw ko ng malakas.

Umatras ako nang sobrang layo hanggang sa mabangga ng likod ko ang pader. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay nalang kesa makakita ng ganon. Ulo nga ang naapakan ko, nakaharap ito sa akin. Tinitigan ko ito ng maigi at sigurado akong binaril ito. Dilat ang kanyang mga mata. 'Yung puting bahagi ng mga mata niya ay halos mapuno na ito ng ugat. At ang pinakanakakatakot sa lahat,

nakatitig ito sa akin!

Kilala ko siya, si manong driver namin. Kung kinabahan at nanginig ako kanina, mas lalo pang lumala ito ngayon.

Pinipigilan kong umiyak. Hindi pwedeng umiyak na naman ako. Sobra na akong nanginginig ngayon. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa pinaghalong kaba at takot.

Blue Moon High (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon