Ella's POV
Agad na tumakbo si Clark at niyakap ako. Pareho kaming pawisan at kinakabahan. Nakahandusay na sa paligid ang limang cranks. Duguan ang mga ito, ang iba'y walang malay.
“It's okey Clark, we're safe now.” Alam kong malaking pagkakamali ang sinabi ko, dahil hindi pa talaga kami ligtas habang nakakulong kami sa maze na ito. Sinabi ko lang iyon para mawala kahit papaano ang takot ng bata.
“Tara na, hindi tayo pwedeng magtagal dito.” Umalingawngaw ang garalgal kong boses, mabigat pa rin ang mga hiningang binibitawan ko. Tumango lang si Clark sa akin at hinawakan ko naman ang kamay niya. Pero bigla siyang tumigil.
“Teka lang ate,” lumapit si Clark sa mga nakahigang cranks at sinipa sa tagiliran ang isa rito. Napailing na lamang ako. Bumalik na agad si Clark at hinawakan ang kamay ko.
“Tara na po ate.”
Tumango ako kay Clark bilang tugon. Binigyan ko muna ng huling sulyap ang mga cranks bago kami umalis.
Nag-eecho ang yapak ng aming paa sa malamig at tahimik na paligid. Nakahawak ako sa kaliwang kamay ni Clark habang kami ay naglalakad. Napatingin ako sa kanya, nakapokus lang siya sa madilim na daan.
“Sa'n na po tayo pupunta ate?” Umalingawngaw ang maliit na boses ni Clark. May konting galos rin siya sa bandang sentido niya.
“Babalik tayo kung saan tayo unang nagmulat. Natatandaan mo 'yong parte ng maze na nilagyan mo ng medyas mo? Doon," marahang tumango si Clark na parang napapaisip.
“Ano pong gagawin natin do'n ate? Doon tayo magsisimula?”
“Exactly. Naisip ko kasi na parang pattern ang dalawang sagot para mahanap natin ang daan palabas.” Napaisip ulit si Clark at tumango-tango pa pagkatapos. Para na talaga siyang matanda kung kumilos.
Hinanap namin ni Clark ang parte na iyon ng maze. Pero nahihirapan kami dahil hindi na namin alam kung nasaan na kami. Pero hindi iyon naging dahilan para sumuko kaming dalawa. Lumiko kami sa kanan at dumiretso. Lumiko na naman kami sa kanan pagkatapos ay kaliwa na naman at diretso.
Huminto kami ni Clark saglit. Medyo pamilyar kasi sa akin ang daan. Hindi lang ako sigurado kung diretso, sa kanan o sa kaliwa ba ang daan. Parang nadaanan na kasi namin ito. Matapos ang ilang minuto ng pag-iisip, nakapagdesisyon kami na tahakin ang kaliwa.
Sa aming paglalakad, sinubukan kong isaulo ang daan. Napansin ko pa si Clark na nagpalingalinga. Kakaiba rin kasi ang pakiramdam ko sa paligid. Dim ang light. At binabalot ng mga ugat ang bawat pader at kisame, kung kisame nga ang tawag dito.
“Clark, maybe we should go back.”
Napapout lang si Clark at hinayaan akong kaladkarin siya. Habang naglalakad kami, nakatingin siya sa likod. Naisaulo ko naman ang daan kaya ilang lakad lang ay nakabalik na kami sa lugar kung saan may diretso, kaliwang daan at kanan.
Tinahak namin kanina ang kaliwang daan, ngayon naman ay sa kanan naman kami. Tahimik lang kaming naglakad kasabay ang paglingalinga sa paligid para isaulo o maghanap ng kulay puting medyas. Iyon na lang kasi ang palatandaan namin.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa napahinto kami. Nagtatakang tumingin si Clark sa akin. Magsasalita na sana siya kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Idinikit ko ang aking daliri sa aking labi. Nakuha naman niya ang gusto kong sabihin.
Nakarinig kami ni Clark ng mga yapak ng paa. Inalis ko na ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya saka kami dahan-dahan na naglakad patungo sa pinakamalapit na pader. Palapit nang palapit sa amin ang mga yapak ng paa.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mystery / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...