Date: June 1, 2016
Hey there guys! June 1 na ngayon which means na third month ko na rito sa mundo ng wattpad. Salamat sa inyong lahat na nagbabasa nitong Blue Moon High.
Salamat sa 38K reads guys, I know this isn't much pero sapat na ito para maging masaya ako.
Kagagaling ko lang sa basketball kaya sobra akong pagod. Pero kahit pagod, ginanahan pa rin akong mag-update dahil sa inyo.
Hindi ko na pahahabain 'to.
Kaya update na!
Read ang enjoy! :))
_____________
Ella's POV
Tumakbo ako patungo sa lalaki. Tagaktak ang pawis ko dahil sa kaba at takot sa maaaring mangyari. Tila naging tambol ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. Buo na ang desisyon ko, na kahit anong mangyari ipagtatanggol ko si Clark.
"Mag-ingat ka ate," napangiti na lang ako sa isip ko nang marinig ko iyon galing sa bata.
"Hindi kayo makakaligtas!" Garalgal ang boses niya. Masasaksak na niya sana ako pero umilag ako pakanan saka ako umigwas ng suntok. Hindi siya natamaan ng kamao ko.
Ginamit ko na naman ang kaliwang kamao ko para suntukin siya ngunit naka-ilag pa rin siya. He swung his knife like slicing something, kaya maagap akong umilag paatras.
Inaatake niya ako gamit ang kanyang patalim kaya wala akong nagawa kung 'di ang umilag. Napapaatras ako sa bawat atake niya makailag lang. Nagpalipad ako ng sipa ngunit umatras siya para umilag.
Sa pag-atras niya, hindi ako nagsayang ng oras kaya sumipa ako ulit gamit ang kaliwang paa ko. Ngunit nakailag pa rin siya. Umataki na naman siya pero maagap akong nakailag pakanan. Kitang-kita ko na muntikan na akong nasugatan sa patalim niya.
Mabilisan ko siyang sinuntok sa mukha dahilan para mapaungol siya. Hirap siyang napaatras habang hawak ang kanyang ilong na ngayon ay dumudugo. Nandiri pa ako dahil dumampi ang kamao ko sa nagbabasa niyang sugat sa mukha.
"Aaaaarrrrrrrgggggggghhhhh," garalgal ang boses niyang sumisigaw dahil sa inis. Inatake na naman niya ako gamit ang kutsilyo niya kaya napapaatras ako sa pag-ilag. Sa bawat ilag ko ay sinusundan ko naman ito ng suntok o kaya'y sipa. Mabilis ang aming galaw, walang nagpapatalo.
Sa bawat atake niya, nakakailag ako. Ngunit sa bawat sipa at atake ko'y natatamaan siya. Napapungol siya tuwing natatamaan.
I swung my leg in an arc to kick him, pero umilag siya. He then swung his knife, muntikan nang mahiwa ang leeg ko mabuti nalang at agad akong nakayuko. Kitang kita ko kung paano dumaan ang kutsilyo sa taas ng ulo ko.
Dahil nakayuko ako sa kanyang harapan, mabilis siyang sumipa. Palipad akong napaatras sa sipa niya at diretso akong napahandusay sa malamig na semento.
"Ateeeeeeeeeee," ramdam ko ang takot at pangamba sa sigaw ni Clark. Ramdam ko rin ang malutong na pagtama ng kanyang paa sa aking baba.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Misteri / ThrillerHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...