Chapter 23: She's Awake
Vanessa's Point of view
“Pramis mo 'yan ate ha, pagkatapos ng class ko pupuntahan natin si ate Ella sa ha?”
Pag-uulit na naman ni Clark habang binabay-bay namin ang daan patungo sa classroom niya. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang beses na niyang sinabi 'yan.
“Syempre naman, Clark, hindi pwedeng hindi natin puntahan si ate Ella mo mamaya. Basta pagbutihin mo pag-aaral mo ha. Para naman sumaya ang mga magulang mo.” Sabi ko at nginitian ang bata.
Nakahawak lang ako sa maliit at malambot na kamay ng bata habang naglalakad kami.
Napansin kong napatigil siya sa paglalakad.
“Wala na po akong mga magulang,” napasulyap ako sa kanya at napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ng bata. Pero nabawi ko naman agad ito.
“Pinatay po ng bad guys si Lala. Binutas nila ang ulo ni Lala. Hindi ko rin po alam kung nasaan na ngayon sila nanay at tatay,” tumigil siya sa pagsasalita at inilibot ang tingin sa paligid. “At hindi ko rin po alam kung nasaang lugar ako ngayon.”
Lumuhod ako sa harapan ng bata. Ngumiti ako sa kanya to give him a comfort. At pinisil ko pa ang dalawang kamay nito.
Tila dinurog ang puso ko nang marinig ko ang mga katagang iyon sa kanya.
Napalunok ako, as if to carefully choose my words.
“Clark . . . huwag mong isipin na wala ka ng mga magulang okay? Mali 'yon, huwag mong isipin 'yon. Busy lang siguro ang mga magulang mo sa trabaho nila para sa kinabukasan mo. At tsaka, . . . nandito naman kami eh. Nandito ako, si ate Kiara at si ate Ella mo. At nandyan pa si kuya Flynn mo.”
Seryoso lang sa pakikinig ang bata sa akin. Ano ba 'yan! Napepressure na ako nito, hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Gusto ko lang namang pagaanin ang loob ng bata.
“Marami kami dito. At ang lugar na ito . . .” inilibot ko ang tingin ko sa paligid, “this is Blue Moon High. At nandito ka para mag-aral. Kaya pagbutihin mo ang pag-aaral mo para sumaya si ate Ella mo. Gusto mong pasayahin si ate Ella 'di ba?”
Tumango si Clark sa pagsang-ayon sa sinabi ko.
And at last, ngumiti na rin ang bata.
“Tara na ate, excited na akong pumunta sa classroom ko,” magiliw na sabi ng bata at tumakbo habang hila-hila ako.
Ayan, mas mabuting nakangiti kang bata ka, 'di bagay sayong malungkot.
Mas cute ka pag nakangiti.
Masyadong naging close si Ella at si Clark dahil sa mga stages na magkakasama silang dalawa. At halata naman sa bata na naging attached na siya kay Ella.
Pero totoo nga talaga kayang pinatay nila ang Lola ng bata?
Pero kung totoo nga, sino ang pumatay? At bakit nila papatayin ang lola nito?
Hindi ko rin alam kung paano napunta si Clark dito sa school na ito at agad na pinasali sa Top Class Challenge.
Nakarating na kami sa building ng batang kasing edad lang ni Clark. Umakyat lang kami ng isang floor at narating na namin ang classroom niya.
“Okay children, now I want you all to draw a triangle inscribed in a circle. Can you do that?”
Nagsisimula na pala ang class ni Clark, nalate pa ang bata dahil sa akin.
Tumigil sa pagsasalita ang teacher at tumingin sa amin na nakatayo lang sa doorway. Ngumiti siya to welcome us.
Mga nasa 24 na ang edad ng babae. Maganda siya, pero mas maganda ako, sabay flip sa hair.
BINABASA MO ANG
Blue Moon High (Completed)
Mistério / SuspenseHighest rank: #3 Mystery/Thriller Volume 1 - Completed Volume 2 - Completed In her eyes, where mysteries are kept untold. Mysteries that are about to unfold. Mysteries of hidden files, of vague varacities and of void emptiness. Blue Moon High is a...